Eula Valdez, ‘di kawalan ‘pag nag-split sila ni Rocky!

NALULUNGKOT SI Nikki Gil sa nalalapit na pag-alis ng bansa ni Billy Crowford. Kailangan nitong lumipad ng US for a serious of commitment. Four months mawawala ng ‘Pinas ang dyowa ng singer-actress. Paano na ang set-up ng kanilang love relationship habang malayo sila sa isa’t isa? “I have risk so, this will take my mind off. Pero modern ages na naman, mayroon namang cellphone,” simpleng sagot ng dalaga na offbeat ang role sa teleseryeng Mundo Man Ay Magunaw  with Empress Schuck.

Tinanong namin si Nikki kung niyaya siya ni Billy sa UK? “Ano naman ang gagawin ko du’n? I have no business there, kababakasyon ko lang. Hindi ko pa kailangan ang bakasyon and plus I’m busy with the things I do here. Siyempre, sad tayo but sad and happy tayo at the same time because I know this is good for him and I know something would come-up.”

Secret sa relationship nina Nikki and Billy? “Ang nakikita ko lang na kaibahan siguro ay hindi namin masyadong inilalantad ‘yung mga detalye, ‘yun ang relationship namin. ‘Yung pag-aaway namin, isinasaamin na lang naming dalawa. Kumbaga, hindi na lang namin isini-share. Normal lang naman kami na couple. Siguro kasi, ‘yung relationship namin parang God centered, you know. Ang anchor ng relationship namin ay Panginoon, you know. How can you go wrong with that.”

Ngayong nalalapit na ang Valentine’s Day, natural lang sa mag-couple na i-celebrate ang special day na ito, any plans? “Wala pa, malamang nasa taping ako n’yan at siya rin, nagtratrabaho,” say ni Nikki. How do you celebrate Valentine’s day with Billy? “Simple lang naman kami ni Billy, dinner lang kami, nood ng sine, kain, ‘yun.”

Four years na palang magkarelasyon sina Nikki at Billy, nakapag-adjust na sila sa isa’t isa kaya’t masasabi nating matatag ngayon ang kanilang relationship. Siyempre, malaking factor ang trust sa isang relasyon kahit magkalayo man sila pansamantala. One hundred percent trust ba ang ibinibigay ni Nikki kay Billy habang nasa UK ito? “Hindi naman siguro kami tatagal nang ganito kung hindi ko siya tina-trust. I trust him but I don’t trust the people around him. Ha! Ha! Ha! Ang importante I trust him,” aniya.

 

MARAMING BAGYO na ang dumating sa love affair nina Eula Valdes at Rocky Salumbides but still going stronger ang kanilang relationship. Pero pilit silang pinaghihwalay ng intriga. Ang latest tsika, may bago raw bagets boyfriend ang actress. “May nakita kasing may kasama akong ibang lalaki. Hindi ako lumalabas na may ibang lalaking kasama bukod kay Rocky, kundi ‘yung anak ko. Pinakita ko nga ‘yung litrato ng anak (Miguel) ko, kasi 5’11’’, 17 years old. ‘Yun agad ang pumasok sa isip ko na baka nakita, kasi um-attend kami ng premiere night na siya ‘yung kasama ko. Mayroon akong mga kabigan na hindi pa nila nakikita ‘yung anak ko nu’ng time na ‘yun. Nang makita nila si Miguel, nu’ng magpaalam ako, may meaning ‘yung tingin nila sa akin. Kahit walang sinasabi, parang pabata nang pabata ang kasama nito, ‘yung ganu’n. ‘Yun ang naramdaman ko so, pinakilala ko agad ang anak ko. ‘Yun lang ‘yung time na may kasama akong iba na hindi naman iba, dahil anak ko ‘yun,” paliwanag ng aktres.

If ever mag-split sina Eula at Rocky, magunaw kaya ang mundo ng magaling na aktres? “Ang sa akin, nakadalawang split na, hindi nagunaw ang mundo ko. Ang paniniwala ko, hindi nanggaling sa akin ang lalaking ‘yan. Ang ikagugunaw lang ng mundo ko ay ‘yung dalawang anak ko kapag nawala sa akin. Kasi ang lalaki o asawa, puwedeng palitan ‘yan. Although, hindi ko naman wini-wish na mangyari ‘yun parati, ‘yun lang. Ang ikagugunaw ng mundo ko kapag may nangyaring masama sa kanila period,” pahayag ni Ms. Eula na sensual pa rin as ever.

 

AYAW Paawat!
by Eddie Littlefield

loading...

2 thoughts on “Eula Valdez, ‘di kawalan ‘pag nag-split sila ni Rocky!

  1. Eula Valdez naging sex maniac na? I wouldn’t be suprised kung bakit inayawan na ang lola nyo ng mga menchung, kasi may EDAD na eh.

Leave a Reply

Your email address will not be published.