Eula Valdez Denies Refusing DJ Durano As Screen Partner

ITINANGGI NI EULA Valdez na meron siyang kinalaman sa isyung pinatatanggal niya si DJ Durano para maging partner sa remake ng Mula Sa Puso.

“Alam mo, wala naman akong kinalaman talaga d’yan, eh. Unang-una, ako, tinawagan ni Direk Wenn (Deramas) nu’ng nasa kabila pa ako. Nagte-taping ako noon. Sabi niya kasi, gagawin ‘yung Mula sa Puso, gusto ko ikaw ang Selina. Sabi niya, ‘Sige na. Paglalaruin kita.’ Parang bibigyan niya ako ng freedom na paglaruin.

“Ako, siyempre, okay sa akin, pero may manager ako. Kailangan nilang kausapin ang manager ko,” esplika ng aktres.

Sumusumpa pa ang aktres na hindi talaga sa kanya nanggaling ang issue. “As in mamatay man ako. Wala akong alam diyan. Unang-una, nalaman ko na lang ‘yan, kasi, tinawagan niya ako. Sabi niya, ‘Alam kong kaibigan kita. Alam kong hindi mo ito sasabihin.’ Sabi ko, hindi ko pa alam kung nag-usap na nga kayo ng ma-nager ko or tuloy na ba.

“Siyempre, ang manager ko, kapag may offer hindi niya muna sasabihin sa akin kapag hindi pa napag-usapan, kapag hindi pa confirmed,” paliwanag pa ng aktres.

Walang pagtutol si Eula na maka-partner si DJ, dahil unang-una, nakatrabaho na niya ito sa Kampanerang Kuba pa lang.

“Ang tagal kaya naming magkakasama. Si direk Wenn din ang direktor namin doon, so
nag-bonding na kami. Sa akin kasi, bakit ko tatanggihan kung mas mapapadali ang
trabaho ko? Kasi kung kaibigan mo na ang kaeksena mo, baka naman kampante ka na
mas madali mong magagawa ang eksena.

“Ako, gusto ko lang talaga umarte. Gusto ko lang talaga magtrabaho.”

MEDYO SHOCKED SI Sarah Geronimo sa isyung ikinakabit sa kanya patungkol kay Charee Pineda. Mukhang wala ngang alam ang singer-actress sa isyung pinahubad niya raw ang damit na suot ni Charee sa movie nila dahil kakulay nito ang kanyang damit.

Clueless si Sarah kung saan nanggaling ang tsismis na iyon. Wala talaga siyang kaalam-alam sa issue. Ang masakit pa nga, nasulat din na ibinaba ang role ni Charee dahil sa nangyari sa kanila ni Sarah. Imbes na bestfriend yata ay napunta sa bit role ang kanyang part. Feeling tuloy ng hitad ay may kinalaman si Sarah kahit wala naman.

BLIND ITEM: GAANO katotoo na sising-sisi ang isang aktor sa pagpatol niya sa isang baklitang executive ng network?

Kung alam din lamang daw niyang sisikat siya ay hindi na raw sana siya pumatol sa bading na ehekutibo. Ito ang himutok ng napakagaling na aktor sa ilang mga kaibigan. Sising-alipin nga raw ang pobreng aktor dahil tila hindi na siya makakalas sa relasyon niya sa baklita. As in taling-tali na raw siya.

Kahit na anong oras kasi siyang ipatawag ng gay ay hindi siya puwedeng humindi, or else ay baka hindi na siya bigyan ng mga proyekto.

Hindi sa mainstream nagsimula ang aktor. Nakilala siya sa mga pelikulang maliit lamang ang budget. Until ma-bigyan ng pansin ang kakaiba niyang galing sa pag-arte.

Ngayon ay isa na ang actor sa pinakasikat at pinakamagaling. Walang kumukuwestiyon sa kanyang acting abilities dahil talaga namang ubod siya ng galing. Hangang-hanga ang lahat ng co-star niya sa isang teleserye.

Hindi kaya ang angst niya sa kanyang  baklitang  TV  executive lover ay lumalabas sa galing niya sa pag-arte sa small screen? At hindi lang sa telebisyon humahataw ngayon ang lolo n’yo. Maging sa commercial ay nakikilala na rin siya.

Lex Chika
by Alex Valentine Brosas

loading...

5 thoughts on “Eula Valdez Denies Refusing DJ Durano As Screen Partner

  1. magtigil ka nga coco, kung hindi ka pumatol kay deo hindi ka mabibigyan ng opportunity sa mainstream noh! patuloy ka pa ring naghuhubad sa mga pambaklang gay indie films hanggang ngayon!

Leave a Reply

Your email address will not be published.