Eula Valdes, nagme-menopause na!

ISANG MAHABA-HABANG PA-NAYAM ang pinaunlakan ni Eula Valdes sa amin noong autograph signing ng FHM para sa July issue nito kung saan siya ang tampok na covergirl. Second time na ito ni Eula na mag-cover at naging mainit ang pagtanggap sa kanya nang mga tao.

Katunayan, noon ngang victory party para sa 100 sexiest, naisulat din naming isa si Eula sa naging crowd favorites at nakatanggap nang masigabong palakpakan.

Kuwento pa niya, “Kabado ta-laga ako noon, bago ‘yung rampahan namin, nagpaturo talaga ako kay Rocky (Salumbides) kung paano ang tamang paglakad. Alam mo namang ramp model siya, ‘di ba?”

Pero bakit nga ba hindi nanood si Rocky sa kanyang performance at mas pinili nitong mag-antay na lang sa kanya sa may parking lot?

“Ayaw niya. Seloso ang lolo mo, ayaw niyang makakarinig ng mga sigaw at baka may kantiyaw pa.”

And speaking of Rocky, secure na secure daw siya sa pagmamahal nito. Sa tanong kung may balak silang magpakasal, sabi ni Eula, “Gusto niya, kaso hindi pa ako annulled dun sa una kong kasal.”

May balak din ba silang magkaanak? “Oo naman. Gusto niya talaga, kaso parang hindi ko na kaya. Papunta na ‘ata ako doon. Hahaha!”

 

KAHIT LAGPAS HATINGGABI na last Saturday, humahagalpak pa rin sa halakhakan ang buong CCP Main Theater dahil sa nakaka-enjoy at nakakatuwang mga eksena sa Zombadings 1: Patayin sa Shokot si Remington na pinagbibidahan ni Martin Escudero. Enjoy na enjoy rin kami sa walang kupas na galing sa pag-arte ng nag-iisang Roderick Paulate.

Maraming mga eksena at dialogue ang pinalakpakan at tuma-tak sa isipan ng mga manonood ang mga nakakaaliw na atake sa kanyang mga eksena si Martin at ang kanyang kasamang si Kerbie Zamora.

Pagkatapos ng gala screening, nakausap namin si Martin at una naming tinanong kung nakailang takes sila ni Kerbie sa eksenang halikan.

“Take one lang kami,” pa-nimula ni Martin, pero marami raw rehear-sals.

Secured naman daw siya sa kanyang gender kaya huwag na lang daw pag-isipang baka nga berde rin ang kanyang dugo. “Siguro sa past life ko, ba-ding ako, hahaha!”

 

MEDYO NALAGPASAN NA nina Rayver Cruz at Cristine Reyes ang mga unos sa kanilang lovelife at ngayon ay tahimik na ang mundong ginagalawan nila pareho.

“Very happy, kasi maraming blessings na dumarating sa buhay ko. At very thankful ako,” kuwento sa amin ni Rayver nang makatsikahan namin last week.

Noon daw, binabagyo sila ng kaliwa’t kanang intriga pero naitawid daw nila ito nang maayos. “Siyempre lahat naman ng issues ay matatapos at matatapos din eh, malalagpasan din naman lahat. At least ngayon happy na at magkasama kami ngayon sa isang project.”

Hindi kaya dumating sa puntong magkasawaan sila dahil nga halos araw-araw na silang magkasama sa taping ng kanilang teleserye? “Minsan nga sinasabi nilang, ‘di ba kayo magkakasawaan kasi magkakatrabaho kayo… sa akin okay lang din, at ngayon busy din naman siya sa movie niya with Derek Ramsay. Natutuwa rin ako na ako ‘yung naging kapartner niya sa Reputasyon kasi du’n lang kami nagkikita, eh. Sobrang busy niya ngayon kasi.”

Sana nga maging maayos na ang lahat sa kanila at hindi na ulit sila babayuhin ng kontrobersiya.

 

Twitter-@arnielcserato, Facebook-heavenscents2002@yahoo.com; E-mail your blind items and hottest showbiz scoops sa arnielcserato@gmail.com.

 
Sure na ‘to
By Arniel Serato

loading...

One thought on “Eula Valdes, nagme-menopause na!

  1. Pingback: Eula Valdes, nagme-menopause na! - ShowbizNews.ph

Leave a Reply

Your email address will not be published.