Eula Caballero, idinenay ang ‘overnight’ issue nila ni Johan Santos!

MAY MGA WRITE-UPS na luma-bas kamakailan lang tungkol kina Eula Caballero ng Star Factor at Johan Santos ng PBB. Diumano, naglasingan ang dalawa sa isang resort sa Batangas noong Undas at pagkatapos ay “nag-lock daw ang dalawa sa loob ng isang kuwarto”.

Pinabulaanan ito ni Eula nang makausap namin kamakailan lamang. Inamin niyang nag-overnight nga sila ni Johan sa bahay ng handler ni Eula sa Batangas, pero marami raw silang kasama, mga Star Factor alumni raw at hindi rin daw sila naglasingan. Chill lang daw ‘yun at may kaunting inom, pero hindi lasingan.

At sa tsikang nag-lock daw silang dalawa sa kuwarto, mahigpit niyang itinanggi ang intrigang ito. Aniya, “Kuya, sa kotse po ni Johan siya natulog sa labas. Nagkausap na po kami tungkol sa isyu at sabi niya, hayaan mo na sila, basta ang mahalaga, walang katotohanan ang mga sinasabi nila.”

Ayan ha? Maliwanag!

 

SA INTERVIEW NI Dolly Anne Carvajal for Paparazzi Showbiz Exposed kay Lea Salonga noong Linggo, kinumusta ng una ang tungkol sa kanyang pagiging hurado noon sa Miss Universe beauty pageant.

Kuwento ni Lea, “I have a good time, I really had a good time. Hindi ko akalain na gano’n pala kahirap ang mag-judge ng beauty contest. Hindi ko inakala na buong buhay ko nanonood ako ng beauty contest sa TV na talagang mahirap pala, you know because you are advised by the committee, the producers, na ito dapat ang hanapin n’yo, na ito dapat ang manalo, ito dapat ang ano, parang you have to look for certain qualities in a Ms. Universe to win.

“We are choosing somebody basically that will be good for the year, it has to be a winner hindi lang magaling sa bathing suit hindi lang magaling sa evening gown or sa question, you have to consider everything. The overall person, the overall impact it has on you.”

So ano  ang nilamang ni Ms. Angola kay Ms. Philippines Shamcey Supsup?

Sagot pa ni Lea, “There’s just something about her, the other thing that they told us is to look for that. Kumbaga ‘yung tangible, ‘yung hindi mo ma-describe. Alam mo ‘yung ‘pag nakita mo ‘yung artista na kahit na hindi sila ‘yung pinakamaganda pero the moment they enter a room, nag iiba na ‘yung temperatura ng kuwarto. Na parang gano’n, so when we saw Ms. Angola, it was just like that.”

 

DUMATING SI GOVERNOR ER Ejercito sa concert ni Vice Ganda noong Biyernes, November 18. Ito ay bahagi pa rin ng pagpo-promote niya ng kanyang pelikulang kalahok sa MMFF 2011, ang Manila Kingpin: The Asiong Salonga Story. Pakikisama na rin sa mga producer na bahagi ng entertainment industry kaya naman talagang umabot hanggang madaling-araw ang pag-stay ni Gov. sa venue. Marami rin ang nagpapa-picture kay Gov. ER at lahat ay kanyang pinagbigyan. Kasama ni Gov. ang maybahay niyang si Mayor Maita Sanchez ng Pagsanjan at anak na si Jerico Ejercito.

Napansin naming parang nagme-meeting din ang mag-asawa tungkol sa pelikula dahil may pinag-aaralan silang layout ng brochure ng Manila Kingpin. Bahagi siguro ito ng promotional materials ng nasabing pelikula. Sana magiging blockbuster ang Manila Kingpin dahil ito ay isang makabuluhang pelikula na pinagbubuhusan ng oras at panahon ni Gov. ER. Good luck!
Sure na ‘to
By Arniel Serato

loading...

8 thoughts on “Eula Caballero, idinenay ang ‘overnight’ issue nila ni Johan Santos!

Leave a Reply

Your email address will not be published.