Eula Caballero, exclusively dating sa co-Star Factor finalist Christian Samson

MASAYA SI Eula Caballero na naging maganda ang takbo ng hero-seryeng pinagbibidahan niya, ang Cassandra: Warrior Angel sa TV5. Malapit nang magtapos ito at aminado siyang malaki ang natutunan niya pagdating sa acting habang ginagawa nila ang soap.

Kuwento niya sa sa amin a few days back nang makasalubong namin siya sa Reliance Studios ng TV5, tapos na raw ang taping nila ng show.  Marami raw siyang nadiskubre sa pasikut-sikot sa loob ng production, kung paano makibagay at makisama sa lahat ng production people.

“Andami kong natutunanan, actually una na siguro sa natutunan ko na sa industriyang ito na iba-iba ang pamamalakad, na iba-iba ang atake ng bawat tao sa bawat production. Pati artista, iba-iba ang atake nila, so iba-iba ang pangangailangan like sa Cassandra, action kami, horror, drama, fantasy. So, ang dami naming pangangailangan, so I just learn to accept and adjust.”

Sa kanyang official account sa photosharing site na Instagram, hindi ikinakaila ni Eula sa pamamagitan ng kanyang mga posts na may espesyal na namamagitan sa kanila ni Christian Samson, kapwa niya co-finalists sa dating artista search ng TV5 na Star Factor. Minsan din ay spotted namin sila sa isang mall na namamasyal at sobrang sweet. Kaya inusisa na namin si Eula kung boyfriend na ba niya si Christian.

Lahad niya, “After my debut, we have taken a leap, higher than being friends, I’m dating him, I’m dating him, he’s the only guy that I’m dating. We’re exclusively dating pero not really committed to a relationship.”

Kinikilig ka? Pag-amin niya, “Well hindi naman ako magmamaang-maangan na sabihing hindi. Of course kinikilig ako, because he’s been there for over a year and so far wala namang nanliligaw sa akin na umabot ng taon and tapos ‘pag hindi ko sinagot agad, wala naggi-give up, pero siya he’s there. And the effort that he’s showing is really incomparable and he is really amazing.”

Sure na ‘to
By Arniel Serato

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.