Eula Caballero at Ivan Dorschner, may something?!

DAHIL SA pag-attend ng Star Magic Talent na si Ivan Dorschner sa birthday celebration ng TV5 prime artist na si Eula Caballero sa Paparazzi, marami ang nag-isip na baka raw may relasyon na ang mga ito, na mariin namang pinabulaanan ni Eula nang makausap namin sa Cravings .

“Wala talaga. Nangyari lang talaga na barkada kami at si Ivan sobrang makulit. Ang ginawa niya, pinakialaman niya ‘yung cellphone ko tapos nag-tweet siya gamit ‘yung account ko ng something na… wala lang, nakakatawa lang talaga. Baliw-baliw nga rin talaga ‘yun. Makulit lang talaga siya. Tapos nag-tweet ako, nag-follow-up tweet ako ng, ‘Sorry guys, it wasn’t me. That was Ivan… blah-blah…’ Doon lang naman nag-start ‘yung pagli-link sa amin.”

Hindi ba ‘pag ganu’ng pinakikialaman na ang cellphone na ang ibig sabihin ay close ka na roon sa tao o special na siya sa iyo? Ano ba ‘yung tweet ni Ivan?

“Marami ‘yun, eh. Tapos ‘yung pinaka-latest, ‘yung parang pinaka-nag-react ‘yung ibang followers ko, kasi magkasama kami noon, kasi nga magkakasama kami sa isang movie, magkasama kami sa meeting. Tapos sabi niya, ‘In a meeting with the handsome… blah-blah… ganu’n lang. Marami naman talagang ganu’n ngayon. Kahit ako, ginagawa ko ‘yun, eh. We’re just really comfortable sa isa’t isa.”

Pero wala pa ba kayo sa ligawan stage? O crush mo ba si Ivan?

“Wala naman. Si Ivan lang talaga ang malambing. Si Ivan kasi nu’ng nakita ko siya… hindi naman magkamukha, pero minsan nagkaka-aura sila ni David [Archuleta] at saka ni Markki Stroem. Parang ganu’n lagi ‘yung nakaka-pair ko, ‘yung mestiso. May mga ganu’ng aura sila. Naku-cute-an lang talaga ako kay David. So, cute na rin si Ivan.”

 

NAG-ENJOY NANG husto ang Tween Hearts cast na si Teejay Marquez sa Santacruzan at Flores De Mayo, kung saan isa ito sa naging celebrity escort ng mga naggagandahang sagala ng nasabing Santacruzan sa Leveriza na dinaluhan ng iba’t ibang top designer sa bansa sa tulong at pangunguna ni Hermana Mayora Maria Theresa Palado, habang naging host naman ang napakabait na si Jesse Nell.

Naging escort si Teejay kasama si Derrick Monasterio suot ang napaka-elegante at magandang barong na habi ng F & S Tailoring nina Mr. Jovan at Jun Dela Cruz sa napakagandang Hermana Segunda na si Mary Joyce Palado Pascua na anak nina Mr. and Mrs. Mark and Jennifer Santiago.

Ilan sa sumagala ay sina Jelaine Palado Pascua, Hermana Primera, at nakakabatang kapatid ni Mary Joyce at nag-escort naman ang guwapitong Upgrade member na si JV Suzara at young actor na si Julian. Sumagala rin ang GMA child wonder na si Jillian Ward, Stef Prescott, at naging escort naman sina Vivo Ouano, Ken Chan, Gerald Santos, Johan Santos, Paul Montecillo, Michael Pangilinan, atbp.

 

NAGPAHAYAG NG pagsuporta ang mga ehekutibo ng TV5, kabilang na si Chairman Manny V. Pangilinan, President at CEO Atty. Ray C. Espinosa at Executive Vice President at COO Roberto V. Barreiro sa pagsabak ni Derek Ramsay bilang opisyal na sports ambassador ng istasyon sa nalalapit na London Olympics 2012.

Sa nakaraang contract signing na ginanap sa First Pacific Leadership Academy, iginiit ng mga bossing ng TV5 ang mahalagang papel ni Derek sa layunin ng network na hikayatin ang mas maraming Pilipino na lumahok sa larangan ng palakasan.

Nakatakdang pangunahan ni Derek ang delegasyon ng TV5 sa London ngayong Hulyo upang ihatid ang pinakamahahalagang pangyayari sa iba’t ibang sporting events sa Olympics, partikular na sa mga isports na lalahukan ng mga atletang Pinoy.

Ngunit bago pa sumabak sa kanyang tungkulin sa London, nahaharap naman sa matinding hamon si Derek bilang host ng The Amazing Race Philippines, ang pinaka-premyadong reality show sa buong mundo na nalalapit nang umere sa Philippine TV bago matapos ang taon. Pag-amin pa ni Derek, mahalagang parte ng paglipat niya sa Kapatid Network ang oportunidad na magamit niya ang kanyang hilig sa isports sa kanyang trabaho sa network.

 

John’s Point
by John Fontanilla

loading...

One thought on “Eula Caballero at Ivan Dorschner, may something?!

Leave a Reply

Your email address will not be published.