Eugene Domingo, pangarap ding mag-FHM!

HAPPY SI Eugene Domingo sa box-office result ng pelikula nila ni Maricel Soriano na Momzillas. Kahit may kasabay itong malalaking foreign films, marami pa rin ang nanood ng nasabing latest offering ng Star Cinema na idinirehe ni Wenn Deramas.

“After this, siguro mga end of October, ‘yong movie na Status Is Complicated naman,” ani Uge nang makausap namin recently pagkatapos niyang mag-taping ng Celebrity Bluff.

“This is directed by Chris Martinez. Re-working siya ng Salawahan ni Ishamel Bernal. Makakasama ko naman dito sina Paulo Avelino, Jake Cuenca, Solenn Heussaff, and Maja Salvador. Ibang level, ‘no?” nangiting sabi pa niya

“Actually sa story nito, ‘yong character ko ang paikut-ikot do’n. At ang kasama ko lagi ay si Paulo. Siyempre, siya ang magiging love interest ko. Itong movie’ng Status is Complicated is about… medyo pilyo. Oo. Kasi ang role ko dito is sex therapist, eh. Exciting, ‘no?

“May entry rin ako sa MMFF (Metro Manila Film Festival), ang Kimi-Dora: Ang Kiyemeng Frequel. This is the third and the last installment,” patungkol niya sa blockbuster starrer niyang Kimi-Dora.

“And first time ko namang magkaroon ng MMFF entry na ako ‘yong lead character. So, pagsusumikapan talaga namin na maging successful ito. Kasama si Dingdong (Dantes) dito in a very special appearance. Ang cast namin now is Angel Aquino, Joel Torre, and Sam Milby. And dad is still there, si Ariel Ureta,” pagtukoy niya sa tatay ng twin character nga niyang sina Kimi at Dora.  At si Moymoy (Palaboy). It’s still written by Chris Martinez. And now is directed by Chris Martinez also.”

Kapansin-pansin ang malaking ipinayat niya. Sumeksi ang kanyang pangangatawan.

“Bumili ako ng girdle na mamahalin! Importante sa babae na perfect ang undergarments. Oo. Hindi naman kailangang payat na payat, eh. Pero kung tama ‘yong isinusuot mo sa pang-ilalim, magkakaroon ka ng shape. Siyempre kailangang may shape ang katawan. Gusto ko ba na wala akong shape? Siyempre gusto ko may shape ako!” natawa ulit na sabi pa niya.

Kung kaseksihan ang pag-uusapan, sino ang gusto niyang maging peg? “’Yong kasama ko sa Status Is Complicated! Si Solenn at saka si Maja!”

Hindi naman niya wish na mag-FHM din in case ma-achieve niya nang bonggang-bongga ang gano’ng kaseksihan?

“Bakit hindi?” napahakhak na sabi ni Eugene.

 

MASAYA RAW si Sid Lucero na muli silang nagkapareha ni Hear Evangelista sa bagong afternoon series ng GMA-7 na Magkano Ba Ang Pag-Ibig?.

“It’s fantastic! It’s always good to be working with a friend,” aniya.

“The best part of it is… wala na ‘yong kaba. Wala na ‘yong… how far can I go? Or… hanggang dito lang ba ako? Wala na ‘yon, eh. It’s more of… okey na okey kayo. And you don’t really have to talk anymore. You just go on to the set. You read (the script). It’s so much easier.”

No’ng magkasama sila dati sa Legacy, na-link pa sila sa isa’t isa. Although nilinaw naman na ni Heart na even if they go dating during that time, magkaibigan lang talaga ang turingan nila.

Ngayon na girlfriend na ang aktres ni Senator Chiz Escudero, wala naman daw silang ilangan nang dahil dito.

“No.  Not at all. Because we are aware of each other’s respect for each other’s personal life. Kaya there is no… walang ilangan. There is no room for that.

“Working with her, it’s so easy. Yes. And, magaan siya talaga. Kahit  ‘yong pakikipagtrabaho sa iba naming kasamang artista.”

Rubbing Elbows
by Ruben Marasigan

loading...

One thought on “Eugene Domingo, pangarap ding mag-FHM!

  1. HINTAYIN NA LANG NIYA NA MAGKAROON NG FHM FOR SENIORS, BAKA SAKALING PUMASA SYA. ANG TANDA NA NIYA PARA MAG-ASPIRE PA SYANG SUMALI SA FHM.

Leave a Reply

Your email address will not be published.