Eugene Domingo, may itinatagong karelasyon?!

 MAHIRAP TALAGANG basahin ngayon ang puso at isipan ni Lovi Poe pagdating sa sitwasyon ng kanyang lovelife. Kaya nga ba’t hindi ma-bigyang-linaw kung sa kabila ba ng patuloy na magandang samahan nila ni dating Congressman Ronald Singson ay nagkabalikan na nga ba sila? Lalong mahirap din kung aminin niya kung hanggang saan na nakarating ang closeness nila ni Jake Cuenca, dahil iba’t ibang babae pa rin naman ang nababalitang nililigawan ng guwapong young actor.

Nagising na kasi si Lovi sa katotohanan na napakahalaga para sa kanya ng showbiz career niya. Ngayon niya kasi ine-enjoy ‘yung pakiramdam na sobra siyang abala, na parang kulang na kulang talaga siya sa dami ng kanyang trabaho. Isiningit niya sa kanyang pag-aartista ang pagkanta, dahil may boses naman siya. Kaya lang, hindi talaga iyon ang ikasisikat niya, kaya nu’ng hindi pa umaariba ang kanyang acting career ay may nabuo na rin siyang plano na magpahinga na lang sa showbiz at mag-aral.

Iniingatan na talaga ngayon ni Lovi ang kanyang kasikatan. Nararamdaman niya na hindi niya kailangang magpabadying-bandying lang. Nariyan ang laging paalaala ng kanyang mommy na si Rowena Moran, na unahin muna ang career bago ang lovelife. Lalo namang nakakahiya sa tunay na pamilya ng kanyang daddy na si yumaong FPJ kung walang mangyayari sa kanya sa showbiz habang gamit ang apelyidong Poe. Nagtitiyaga na talaga si Lovi, at nagbubunga na iyon. Hindi niya ngayon maipaliwanag ang katuwaan na nararamdaman, dahil kasama siya ng Superstar na si Nora Aunor sa pelikulang Thy Womb dahil ang sabi nga niya: “Masuwerte ako, nakasama ko na ang Superstar. ‘Yung iba kasi, pangarap talaga siyang makasama sa project,” pagmamalaki ng magandang young actress.

 

DINADAAN NA lang ni Eugene Domingo sa mga pagbibiro, kunwaring pambabara at deadma kuno ang kanyang mga sagot kapag tinatanong siya kung kailan ba niya mapag-iisipan ang tungkol sa pagpapakasal? Kasi nga, iyon na ang paboritong itanong sa kanya ng mga naaaliw sa kanya. Dahil sa totoo lang, wala na rin naman siyang dapat pang patunayan sa showbiz, dahil ilang taon na ang kanyang kasikatan, lalo pa’t kumikita ang kanyang mga pelikulang pinagbibidahan.

Matalinong tao kasi si Eugene, wika ng kanyang mga kaibigan. Tipong mainipin daw ang sikat na komedyana kapag ang lalaking nagpaparamdam sa kanya ng panliligaw ay medyo hindi niya ka-level ang utak. Napakahirap daw para kay Uge ‘yung magkaroon ng mga manliligaw na hindi sila magkaintindihan at ang diretsong pag-uusapan lang ay ligawan, relasyon patungo sa kasal. Higit sa lahat, madaming raket si Uge, sikat at nagbibida, kaya mayaman na. Mahirap din para sa kanya ang magmahal sa isang lalaking walang raket araw-araw kundi kaguwapuhan at porma lang ang maipagmamalaki.

Kaba ng mga kaibigan ni Eugene ay baka tumikim lang ng pakikipagrelasyon si Eugene, pero baka matagalan pa siya bago magpakasal. Hataw pa rin kasi sa ngayon ang kanyang career. Sa katunayan, siya pa rin ang bida sa bonggang pelikulang Kimmy Dora na todong nagpasikat sa kanya noon. Hindi isyu kay Uge na nagkakaedad na siya. Masayahin kasi siyang tao, kaya feeling niya ay hindi siya nagkakaedad. Pero malay naman natin kung may itinatago siyang karelasyon? Masikreto rin kasi siya, ‘noh!

 

ChorBA!
by Melchor Bautista

loading...

4 thoughts on “Eugene Domingo, may itinatagong karelasyon?!

  1. uu nga wag natin husgahan si mane. diba si aljun jiminez asawa nya?  o hilaway na sila? gabe talaga to si mane.  

  2. BETH also known as AI Ai De Las Malas–bakit ka na iinggit kay Eugene may award yan sa abroad no? Di ba Beth may karelasyon kang tibo na executive sa ABS CBN?

  3. ITS EITHER KABIT ITONG SI UGE AT ME TUNAY NA ASAWA ANG PAPARU BOYFRIEND NITONG BABAITANG ITO KAYA HANGGANG NGAYON HINDI PA NAG AASAWA. MA SHUNDA KA NA DAY. LASPAG KA NAT LAHAT TUMABA KA NA RIN SA KAKA IYOT WALA NAMAN KASAL WALA RIN MAPUPUNTAHAN PA YANG RELASYON NYO NA YAN.WAG PURO SARAP SA KAMA DAY.

Leave a Reply

Your email address will not be published.