Eugene Domingo, ibinuyangyang ang boobs sa indie movie!

HINDI NAGPATALBOG ang magaling na komedyana na si Eugene Domingo sa pagpapakita ng boobs sa kanyang pelikula sa Cinemalaya, ang Instant Mommy na marami ang nagulat at nag-abang talaga sa breast exposure nito.

Kaya naman dinadagsa ito ng mga kalalakihang gustong mabosohan kahit sa palabas lamang si Ms. Uge, sampu ng mga  artistang may entry sa Cinemalaya 2013 na pare-parehong nagpakita ng dyoga.

At Ilan nga sa pelikulang may breast exposure ay ang Instant Mommy, kung saan hindi talaga naawat ang magaling na komedyanang si Eugene Domingo sa pagpapakita ng kanyang boobs. ‘Di naman nagpahuli sina Rosanna Roces at Adriana Gomez sa pelikulang Porno, Althea Vega sa pelikulang Amor y Muerte at Mara Lopez sa Debosyon.

Pero sa lahat ng nagpakita ng dyoga ay mas lumikha ng ingay si Eugene, dahil hindi inakala ng marami na gagawin ito ni Uge na sikat na sikat na komedyana sa bansa. Grabe nga raw ang guts at lakas ng loob ni Uge dahil nga napapayag ito ng producer at director ng said movie na magbungangyang ng kanyang boobs on screen.

John’s Point
by John Fontanilla

loading...

2 thoughts on “Eugene Domingo, ibinuyangyang ang boobs sa indie movie!

  1. she has the guts talaga! and it’s for the story and art’s sake.. iba talaga pag si Ms Eugene ang umatake..^^

Leave a Reply

Your email address will not be published.