Eugene Domingo, ‘di raw ugaling mag-ego trip

PINABULAANAN NI Derek Wenn Deramas na nag-e-ego tripping si Eugene Domingo sa set ng pelikula niyang Momzillas, kung saan makakasama ni Uge ang nagbabalik na Diamond Star na si Maricel Soriano.

Sa set nila sa Lobo, Batangas na napakalayo sa kabihasnan, sinasabi ng tsismis na nag-demand daw si Uge ng kung anu-ano sa production staff, gayong wala naman daw itong katotohanan, sabi ng box-office director na si Wenn.

“Baka ito ‘yong time na inatake ng gout niya ang lola mo. Mantakan ba naman ang chicharon sa set, hayun umaaray at namaga ang gout niya,” kuwento ni Derek sa amin.

Matagal nang kilala ni Derek Wenn si Uge. “Walang attitude ‘yan. Kahit ano ang pagawa mo sa kanya, walang angal ‘yan,” pagmamalaki ng director sa artista niya.

Ang layo raw ng location nila sa bayan na ang eksena, kunwari ay survivor sila ni Marya sa isang deserted na isla.

Dahil sa food trip ni Uge, hayun at inatake ng kanyang namamagang paa na for the whole duration ng shootiong, umaaray na ito pero natatawa na lang sa katakawan niya.

All praises si Direk Wenn sa dalawa niyang mga artista. Very professional sina Marya at Uge. Walang reklamo. Palaging on time sa set at ready sa kung ano man ang ipapagawa sa kanila.

“Happy kaming lahat at palaging tawanan. Kung minsan pack-up na, parang ‘di nila namamalayan na tapos na pala ang shooting for the day.

“Happy ako bilang fan ni Maricel dahil nai-direk ko rin siya sa isang pelikula. Dati kasi sa MMK ko lang siya nai-direk.

Dasal nga ni Direk Wenn, “Sana tuluy-tuloy na ang pagbabalik ni Marya.”

 

KALOKA ANG sex video ni Wally Bayola. Viral sa internet ngayon pero walang kadala-dala ang mga may gawa para babuyin sila ng kagaguhan nila.

Hindi pa ba nadadala ang mga taga-showbiz na malaki ang risk ng iskandalo at maraming mga tao na inosente ang madadamay?

Mula nang mapag-usapan ang sex video ni Wally kasama ang EB Babes na si Yosh, naging negative bigla ang imahe ng isang wholesome at family-oriented co-host ng Eat Bulaga.

Pero “kadiri” ang reaksyon ng marami na nakakita na suma total, ang babae pa rin ang kawawa sa bandang huli.

Dahil sa sex video, suspended muna si Wally sa Eat Bulaga na may image sa mga manonood.

How I wish na hindi lang si Chito Miranda at Wally Bayola (na walang appeal sa akin) ang may sex video na kumalat sa internet.

Sana naman sa susunod na iskandalong sex video, ang gusto ko namang makita ay mga good-looking stars natin with the likes of Dingdong Dantes, Jake Cuenca, Richard Gutierrez, Gerald Anderson, Aljur Abrenica, Derek Ramsay at Alden Richards at ang mga liga nila.

I’m sure ang mga beki magbi-bid para makakuha ng clear copy ‘pag nagkataon.

 

MARAMI ANG nanghihinayang at hindi si Xian Lim ang makakapareha ni Kim Chiu sa month long pantaserye niyang My Fairy Kasambahay para sa Wansapanataym simula bukas.

Mula nang pumatok sa takilya ang pelikula nilang dalawa na Bakit Hindi Ka Crush ng Crush Mo?, iniisip ng fans ng dalawa na “sila” na ang magsasama sa lahat ng projects ng bawat isa.

“Choice ng production kung sino ang makakapareha ko. Pero okey naman kahit sino. Okey naman si Joseph (Marco) as may partner,” sabi ni Kim.

Just like sa personal niyang buhay, she’s free to love someone or someone to love her at hindi ito exclusive para sa kanyang showbiz partner na si Xian lang.

Kung sa bagay, mukhang floating pa rin si Xian sa puso ng dalaga kaya enjoy na lang while keri pang sakyan.

Reyted K
By RK VillaCorta

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.