Eugene Domingo, bigay-todo sa kissing scene kay Dingdong Dantes

BUHAY NA BUHAY at puno pa rin ng pag-asa ang mga fans nina Sam Milby at Anne Curtis. Last Sunday ay naka-usap namin after ASAP ‘09 ang kanilang mga fans from all over the world particular na ang mga misis na  nakatira na sa Japan at Hawaii. Mga TFC subscribers daw sila at umuuwi lang ng Pilipinas para makita sina Sam at Anne.

In fact, sila rin ang nag-organzie ng fans day nina Sam at Anna sa  bahay ng taga-Japan sa Loyola Grand Villas last Sunday kung saan nagkasama ang dating real life sweethearts. Nangako naman ang mga fans na ito na manonood ng concert ni Sam na Only Me sa Sabado, July 25 sa Zirkoh Greenhills. Actually, isa ito sa mga dahilan kaya sila pumunta ng Pilipinas para manood ng concert ni Sam. Ang taray, ‘di ba?

Wish ng mga fans na manood din si Anne sa mismong concert ni Sam sa Sabado. Mukhang hindi naman bibiguin ni Anne ang mga tagahanga nila ni Sam kaya tiyak na marami ang magugulat sa presence ng young actress sa  Only Me concert.

Actually, hindi lang si Anne ang malaking surprise sa show. Maraming exciting  stars ang darating sa concert ni Sam sa Zirkoh Greenhills sa Sabado. Maging ang bagong leading lady ni Sam na si Bea Alonzo sa bagong pelikula ng Star Cinema na And I Love You So ay sosorpresahin ang aktor.

Malay din natin baka dumating sina Toni  Gonzaga at Angel Locsin na kalabtim ni Sam sa Only You, sa concert. And speaking of Toni and Anne, kinuha namin ang reaksyon ni Sam sa intrigang ibinabato sa dalawang leading ladies niya.

“If you’re going to ask me kung anuman ang problema nila dati, I think wala na talaga. I mean, first stuff, ah, siguro matagal ng wala. I have no idea kung meron silang problem ngayon. Hindi ko alam. I’m sure wala na silang problema sa isa’t isa. And kung meron man, hindi ako kasali sa problema nila, ‘di ba,” malambing na sabi ni Sam.

NA-WITNESS NAMIN ang kissing scene nina Dingdong Dantes at Eugene Domingo sa shooting  ng Kimmy Dora sa Antipolo. Binibiro tuloy namin si Eugene na napagsamantalahan na niya si Dingdong nang husto sa eksena nila kung saan pinilit niyang halikan ang guwapong aktor at leading man niya.

Wala naman daw dapat ipagselos ang real-life girlfriend ni Dingdong na si Marian Rivera sa kissing scene nila ng boyfriend niya. Pero at least, natikman na nga ni Uge ang mga labi ni Dingdong.

“Sobrang lambot kaya  lang hindi ko malasahan kasi ang bilis,” may panghihinayang na sabi ni Uge.

Naghanda nang husto si Uge sa kissing scene nila ni Dingdong with matching toothbrush, mumog ng Astringosol, nguya ng chewing gum at hindi  pagdi-dinner that night.  Fresh na fresh naman daw ang hininga ni Dingdong ayon kay Uge.

“Diyos ko! Lasang gatas. Parang hindi nagka-kape. Oo! Lasang Choco, milk-choco!”

‘Yun na.

Julie Ka!

by Julie Bonifacio

loading...

One thought on “Eugene Domingo, bigay-todo sa kissing scene kay Dingdong Dantes

  1. ang OA mo day sobra lalo na doon sa adik sayo di mo ba bagay mag komedyante doon,,ang lakas pa ng loob mo magbikini parang beer ang wankata mo sana coca cola ang dating mo okey lang……….

Leave a Reply

Your email address will not be published.