Eugene Domingo, bagong reyna ng Film Fest?

AYAW TALAGANG paawat ang award-winning comedienne na si Eugene Domingo dahil sunud-sunod pa rin ang kanyang mga ginagawang mga pelikula, especially ngayong 2011 Metro Manila Film Festival dahil tatlo sa mga official entries ay kasama siya, huh! Bahagi si Uge ng family comedy film na My House Husband, Ikaw Na! kasama sina Judy Ann Santos at Ryan Agoncillo, parte rin siya ng ‘Rain Rain Go Away’ episode ng Shake Rattle & Roll 13 at ng pinagsanib na puwersa nina Vic Sotto at Ai-Ai delas Alas sa Enteng ng Ina Mo. Ayon sa magaling na aktres, hindi naman daw niya inakala na makakasama ang lahat nang ginawa niyang pelikula para sa taunang MMFF. Nagulat na lang siya na pumasa ang lahat ng mga pelikulang tinanggap niyang gawin. Ang maganda raw sa mga roles ni Uge sa mga MMFF entries niya ay magkakaiba silang lahat at hindi pare-pareho ang kanyang atake. Naku, si Uge na ba ang dapat tanghaling reyna ng Film Fest?

Photos by Luz Candaba, Fernan Sucalit & Parazzi Wires

By MK Caguingin

Clickadora
Pinoy Parazzi News Service

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.