ETSAPUWERA SA BAGONG NOONTIME SHOW NG DOS POKWANG, KINABOG NI MELAI CANTIVEROS

SUMAMA PALA ANG loob ni Pokwang at hindi siya napasali sa bagong noontime show ng ABS-CBN. Lalo raw nadismaya ang hitad nang malaman nitong si Melai Cantiveros ang kinuha para isama kina Mariel Rodriguez, Toni Gonzaga, John Estrada, Randy Santiago at Sam Milby. Feeling daw ng komedyana ay naetsapuwera ang beauty niya.

Katwiran pa raw ni Pokwang, naging bahagi naman siya ng dating noontime show ng Dos, kaya sumama ang kanyang loob. Asang-asa yata ang hitad na mapapabilang siya sa bagong noontime show ng Kapamilya network.

Pero kung isasama siya, hindi na magmumukhang bago ang show, ‘di ba? Eh, bakit naman si Va-lerie Concepcion, hindi nabalitang sumama ang loob at nagmaktol nang hindi siya isali sa cast? Kasi, alam naman niya na bagong mukha naman ang gustong ihain ng Dos sa pananghaliang programa nito. Sa Banana Split na lang kung gayon mapapanood ang beauty ni Pokwang.

Well, as Kim Atienza always says, “ang buhay ay weather-weather lang!”

Gets mo, Pokwang?

UBOD NANG GANDA si Paolo Ba-llesteros bilang main contravida ni Regine Velasquez sa I Heart You Pare. As ‘Vodka’, na isang drag queen, magsusuot si Paolo ng naggagandahang mga damit na lalo pang magpapatingkad sa kanyang kagandahan.

Walang pagsisisi si Paolo kung ma-typecast siya bilang bading. Wala siyang pakialam kung tuksuhin man siya o kantiyawan gaya ng ginagawa ni Joey de Leon sa Eat Bulaga. At talagang kinarir ni Paolo ang role niya. In fact, ipinakita pa niya sa amin ang ahit niyang kili-kili. At ang seksi-seksi niya sa dance number niya during the presscon ng naturang TV series ng GMA-7.

Hindi siguro kalabisang sabihin na si Paolo ang pinakamaganda sa cast ng I Heart You Pare. Kakaiba ang beauty ni Paolo, dahil guwapo siyang lalaki at napakaganda rin kung magiging babae. Bibihira ang aristang ganoon ka-flexible ang beauty!

Hindi rin nagdalawang-isip si Paolo nang sabihing kontrabida siya ni Regine Velasquez. “U-marte pa ba ako? Ang dami-dami ngayong walang trabaho, ‘no!” sabi pa ng TV host-actor.

Oo nga naman! Strike while the iron is hot. At least, hindi siya nababakante ngayon. Isa pa, bagay naman sa kanya ang maging drag queen.

MAY CELEBRITY AURA itong si Sen. Antonio Trillanes. Aba, nu’ng magbigay ng preskon sa kanya si  Mother Lily Monteverde, pinag-kaguluhan ang magiting na senador! Halos lahat yata (except us) ay nagpakuha ng litrato kasama siya. Talagang hindi matapos-tapos ang mga taong gustong makasama siya sa picture.

Sabi pa ni Mother Lily, si Sen. Trillanes ang kanyang ‘newest’ Regal baby. Bagay na bagay nga raw itong mag-artista. Kaya lang, alam ng Senador kung hanggang saan lang siya. Bagama’t nagpasalamat siya kay Mother Lily sa alok nitong gawin siyang artista, hindi raw niya mundo ang showbiz.

“Alam n’yo po, kung meron lang akong talent, why not? Kaso, talaga lang I’m not wired for that, but I’m flattered, coming from Mother Lily, to be considered an actor material. But talaga pong hindi natin linya,” esplika ni Sen. Trillanes. “I don’t sing. Pumipiyok ‘yung boses ko. I don’t dance dahil parehong kaliwa ang mga paa ko. Siguro, ang talent na binigay sa akin is being a good friend. I can be a good friend.”


Lex Chika
by Alex Valentine Brosas

loading...

9 thoughts on “ETSAPUWERA SA BAGONG NOONTIME SHOW NG DOS POKWANG, KINABOG NI MELAI CANTIVEROS

  1. mayabang k kc pokwang kala mo palagi sayo gracia…kala mo kung cno kang umasta corny nman ng mga jokes mo…d ka natural born comedian… magsama kayo ng fren mong c chokoleit palaos na…

  2. Pingback: Tweets that mention ETSAPUWERA SA BAGONG NOONTIME SHOW NG DOS POKWANG, KINABOG NI MELAI CANTIVEROS | Pinoy Parazzi -- Topsy.com

Leave a Reply

Your email address will not be published.