ETHEL BOOBA, NADISKUBRENG BADING ANG SYOTA

BIYERNES, March 11, 5:15 ng umaga nang maalarma ang ilang residente sa Prince Jun Condominium sa Timog Avenue, Quezon City dahil sa kaganapan sa unit ng sexy comedienne na si Ethel Booba.

Ayon sa rumespondeng security guard, ang pinagmulan ng matin-ding usok ay ang isang lampshade na umano’y sinunog ni Ethel. Agad namang naapula ang apoy, pero nadatnan din nila ang ilang maseselang salita na isinulat daw ni Ethel sa pader ng kanyang unit.

“Naha-haggard ako, sa totoo lang, loss of temper. Ngayon lang nangyari sa akin ‘to. Naubos na ang pasensiya ko sa ex-boyfriend ko. Actually, tinatakot ko lang siya,” ayon kay Ethel nang makausap namin ito.

Nagawa raw niya ito dahil natuklasan niyang isa palang homosexual ang kanyang Romanian boyfriend. Arson sana ang ikakaso sa kanya ng administration ng condominium, pero nagkaroon ng amicable settlement at lilisanin na lang daw ni Ethel ang unit at babayaran ang mga gamit na nasira kahit isang buwan pa lang itong tumitira roon.

“Gusto ko nga, quit ko na ‘yung ganito. Ayoko na ng eskandalo. Talagang naubos na. ‘Yun ang gusto niya, ilabas ko na lahat. Okey na ako,” pahayag pa ng sexy comedienne.

JENNYLYN MERCADO, MAY BAGONG TATTOO!

Bumili ng bagong sasakyan si Jennylyn Mercado na isang E150 Ford. Mas malaki ito kesa sa nauna niyang sasakyan, ‘Yung isang sasakyan daw ay panghatid kay Alex Jazz, ang anak kay Patrick Garcia. May bagong tattoo rin si Jennylyn na nakalagay sa kanang binti, nakasulat doon ang pangalan ng anak. Tila naimpluwensyahan si Jennylyn ni Dennis Trillo na nagpa-tattoo sa kanyang braso ng pangalan ng anak naman nila ni Carlene Aguilar na si Calix.

PHOTO: JENNYLYN MERCADO

Parazzismiz

Parazzismiz
By Maica Tidila

loading...

One thought on “ETHEL BOOBA, NADISKUBRENG BADING ANG SYOTA

  1. Only in the Philippines someone can get away with what Ethel did, kung sa tate pa yon, nakasuhan na yon ASAP. Arson yon at kung may namatay na kapitbahay, ibang usapan na naman yon, baka murder/manslaughter ba yon? Grabe itong si Ether, sana magpakatino na. Kung nagplano itong si Ethel na maging ina someday, baka makita at mabasa ito ng mga anak nya in the future, ano na lang ang sasabihin nga mga anak nya kong magluluko din ito, hindi ito madeseplena ni Ethel dahil sabihin din nito ng mga anak nya na , Mom you did it too, there's no reason we can't do it either. Hayyyy, kailangan mag isip bago gumawa ng mga kalukuhan dahil may bukas pa.

Leave a Reply

Your email address will not be published.