Ethel Booba, lumabas na naman ang pagkabalahura!

ISA ANG INYONG lingkod sa mga tumayong juror sa February 27 episode ng Talentadong Pinoy on TV5. It would be the last Saturday bago idaos ang Battle of the Champions among all seven Hall of Famers plus a wild card contestant in a free admission showdown at the Cuneta Astrodome on March 6.

Supposedly, taped as live ang episode na ‘yon. Save for some minor retakes, mukhang may ilang bahagi roon ang hindi papasa sa MTRCB partikular na ang adlib ni Ethel Booba who stood as one of the talent scouts.

May ilan kasing distasteful remarks si Ethel pagkatapos sumalang ang isang trese anyos na binatilyong kumanta ng isang Gary Valenciano hit. While her co-talent scouts Amy Perez and director Audie Gemora lauded and applauded the boy’s vocal prowess, iba ang banat ni Ethel.

Type daw niya ang boylet at hihintayin daw niya itong lumaki. But of course, it was Ethel’s attempt at comedy living up to her sexy comedienne image. Kaso, with or without the MTRCB, its sharp ear and watchful eye ay sasabihing in bad tase ang birong ‘yon lalo na’t menor de edad ang pinatutungkulan.

Kilalang balahura si Ethel, a known fact na baka siya na lang mismo ang hindi nakaaalam. Pero may ethics na dapat sundin most specially in a medium made easily accessible to the young whose minds should be spared from corruption!

BLIND ITEM: PASINTABI po sa mga kapatid nating Chinoy o mga purong Chinese most specially ngayong ipinagdiriwang nila ang kanilang bagong taon. Naging tradisyon na ang pagbibigay ng tikoy during these times as a symbol of goodluck all year round, but the Chinese delicacy made of sticky substance has assumed quite a degoratory meaning referring to any person who is close-fisted. Sa madaling salita, kuripot. In gay parlance, “Madame Curie” o Kuring.

Ganito kung ilarawan ng maraming reporter ang sikat na aktor na ito sa kabila ng maraming biyayang dumarating sa kanyang career. Just recently, nagpamalas na naman daw ng pagiging tikoy ang aktor at an event held on a yacht.

Ang ending, umuwing sisinghap-singhap ang mga dumalong reporter sa lugar pa man ding hindi malimit pagdausan ng mga presscon. Kunsabagay, wala rin namang matandaan ang mga reporter na isang insidente, lalo’t Pasko, that the actor ever hosted a party for the press.

Press Party. Common letters in the phrase provide the clue.

HINDI KO NA babanggitin kung anong puwesto, pero kumakandidato sa national level ang personalidad na ito na kelan lang ay naglunsad ng black propaganda laban sa mahigpit na katunggali. Wa siya care sa iba pa niyang kalaban, mas pinupuntirya niya ang kanyang closest rival who, as of latest survey, is slowly going down.

Siyempre, malawak na makinarya (read: datung) lang naman ang katapat nito. Ang hindi makahula, matutulog sa gitna ng kalsada.

Pepperoni
by Ronnie Carrasco III

loading...

14 thoughts on “Ethel Booba, lumabas na naman ang pagkabalahura!

  1. naupo si Pres cory bakit di nalaman kung sino ang pumatay ke Ka Ninoy. Anong masasabi kaya ng mga Laurel sa pagtakbo ni NOYnoy, tanong natin kay Korina.
    Pagnanalo si Noy NOy after 3 months magkaaway na sila ng Bise niya. after 1 year coup d etat uli sana di magkatotoo ang hula. Tapos matitikman din niya ang pianggagawa niya sa kongreso na taon taon ay may impeachment case siya . aanihin niya ang tinanim niya.
    So mag isip kayo mabuti mga kabataan na pag asa ng bayan. ung dating ma ka chiz asan na kayo ipanalo natin ang tunay na simbolo ng pagbabago iboto natin ang mga batang kandidato sa senado, bise at pres.
    Let us vote for Teodoro.

  2. kasi kayong mga press people parang mga pulubing naghihintay ng biyaya kuno. eh parehas lang naman kayong nagtatrabaho. obligado ba talaga ang mga artistang mamigay sa inyo? magbanat kayo ng buto at huwag manghingi, pwede.

  3. mga kababayan, mag-isip kayong mabuti sa paboto!

    hindi ako maka-noynoy at mar, pero sa mga kandidato ng Pres. at Vise, si noynoy at mar lang ang nakikita kong matino. hindi man siguro mapaangat ni noynoy at mar ng husto ang inang bayang pilipinas eh i’m sure mawawala ang korupsiyon na nagpapahirap ng husto sa mga pilipino!

  4. noong nakaraang araw si kris ulit ang tinitira mo? ngayon naman si piolo pascual at noynoy aquino? dahil ba hindi ka at kayo nagkakaroon sa actor at personalidad na ‘to?

    it is cristal clear na member ka talaga ng demolition squad!

    si piolo sini-share ang blessings niya sa mga less fortunates na tao dahil ‘yon talaga ang tunay na nangangailangan! dumikit ka na lang sa dinidiyos mong si RG at DD!

    ang laging sinasabi ni sen. villar, “wala siyang sikat na mga magulang at kapatid na artista.” ok given na wala siyang katulad ni ninoy, cory at kris, pero bumabayad naman siya ng malalaking artista tulad ni willie, dolphy, at sarah g.!

    kapag si villar ang naupo, parang pinapayagan lang din ng mga tao na ituloy ang ginagawa ni pgma! sa laki ng perang inuubos ni villar, kalokohan ang hindi niya bawiin ang perang ‘yan na naubos niya! kung hindi man niya bawiin, nangangahulugan lang na ang inuubos niya ay galing sa silent supporter niyang si pgma!

    • NOYNOY WALANG SILBI SA BAYAN!!!!!!!!!!! INUTIL SA SENADO!!!!!!!!!!!!!!!! GINAGAMIT LANG PANGALAN NG MGA MAGULANG!!!!!!!!!!!!!!!!!

Leave a Reply

Your email address will not be published.