Ethel Booba, ex-boyfriend ang kaulayaw sa Bora! – Ronnie Carrasco

QTV 11’S TWEETBIZ was able to get Ethel Booba’s reaction to her “wild photos” taken and published by Pinoy Parazzi.

Kung malaswa ang dating ng mga ito, judge not. In the first place, hindi na bago ang “pagwawalang” ‘yon ni Ethel in public places. May lalaswa pa ba naman sa kanyang screen name, aber?

Truth is, ex-boyfriend pala ng sexy comedienne ang “kaulayaw” niya, pero meron pala siyang ibang ka-date sa Boracay. Kung bakit at paanong hindi ang kanyang ka-date ang nakunan ng mga larawang ‘yon, simple lang, hindi pa n’ya dyowa ang lalaking ‘yon.

Ang hindi nga lang naisip ni Ethel, paano pa siyang dyodyowain ng guy na ‘yon kung nakipaglandian siya sa kanyang ex-dyowa?

HINDI NAPIGILANG MA-UPSET ni Lolit Solis nang iparating sa kanya ang feedback tungkol sa kanyang pagiging isa sa mga hurado ng Starstruck V. Iisa lang ang tinutumbok ng mga nakasaad sa Facebook ng mga masugid na sumusubaybay sa naging recent elimination: pera-pera lang daw ang pinaiiral ng manager-TV host.

Last Sunday, Princess Snell and Piero Vergara saw their journey end. Pero sinisisi kay ‘Nay Lolit ang pagkakaligwak kay Piero nga mga supporters nito.

Ani ‘Nay Lolit, anong pera-pera ang iniisyu ng mga ‘yon laban sa kanya, eh, maliwanag namang sisenta porsiyento ng pagkakatanggal ay mula sa text voting? Huwag naman sanang maging bitter ang mga tagasubaybay ni Piero, the same goes to his relatives who couldn’t accept his defeat.

Lest they forget, history would prove na sa apat nang paglulunsad sa Starstruck, mas bumongga pa ang mga career ng mga avengers. Huwag nilang isisi ‘yon sa three-man jury as more people have spoken through text.

SANA’Y HINDI TRUE ang tsika na dalawin-dili raw ng isang aktor ang kanyang maysakit na magulang na lagi na lang daw siyang inuurutan ng datung.

Dati raw kasing sagana sa pera ang matanda, anuman daw ang kanyang kapritso sa katawan ay nakahain na agad sa kanya. Pero dahil balo na siya, sa kanyang anak na aktor na lang siya nanghihingi.

Sa umpisa ay wala naman daw problema sa aktor, sobra-sobra naman ang kanyang kinikita. Pero kinalaunan daw ay nariringgan na siya ng pagkayamot sa magulang, na sa tuwing bibisitahin daw niya ay walang ibang bukambibig kundi pengeng pera.

Again, hope that this is just a piece of falser rumor. Sa estado ng aktor, nakagugulat na puwede pala niyang pagdamutan ang sariling magulang.

Note: There are little twists here and there sa blind item na ito para sadyang iligaw ang identity ng aktor, but the good-for-nothing child seems to have everything in life.

Pepperoni
by Ronnie Carrasco III

loading...

One thought on “Ethel Booba, ex-boyfriend ang kaulayaw sa Bora! – Ronnie Carrasco

  1. Kasalanan din ng matanda ‘yan, ‘no? Inubos-ubos niya pera niya instead of saving for old age.

Leave a Reply

Your email address will not be published.