Ethel Booba, daig pa ang bading kung magmahal

KAHIT NAGLOLOKA-LOKAHAN si Ethel Booba lalo na tungkol sa kanyang lovelife, ang isa naman sa kapuri-pu-ring ugali ng boobsie na komedyana ay masipag siyang magtrabaho. Nagkakataon lang ta-laga, na nang dahil sa kanyang mga pakikipagrelasyon kung saan siya nakatagpo dati ng mga kalalakihang parang wala ring direksiyon ang buhay tungkol sa pakikipagrelasyon, kaya ang resulta ay nawiwindang din ang mga trabahong ipinagkakatiwala sa komedyanang host.

Parang bakla kasi si Ethel kung magmahal. Basta’t mahal niya ang isang lalaki, parang ibibigay na rin ni Ethel ang buong mundo sa kanyang karelasyon basta’t maligaya siya. Sobra siyang masaya kapag nagsisimula na ang relasyon, hanggang gitna. Pero pagdating sa dulo na patungo na sa selosan at hiwalayan ang kanilang mga kadramahan, kumakawala na si Ethel sa tamang direksiyon kaya naaapektuhan na rin ang kanyang trabaho. Pero mahal niya ang kanyang trabaho.

Good karma nga si Ethel dahil sa kanyang kabaitan bilang tao. Mahusay siyang makisama, pero aminado naman ang hitad, na hindi siya perpekto, kaya nga marami ring naging mali sa kanyang buhay na itinatama naman niyang pilit sa ngayon. Parte siya ngayon ng programang Wowowillie ng TV 5, kaya ang mga nang-ookray kay Ethel ay hindi makapaniwalang makababalik pa siya sa pagho-host, dahil kahit si Willie Revillame ay binigyan siya ng pangalawang pagkakataon.

 

MARAMI TALAGA ang nag-aabang ng mga pagbabago sa takbo ng kanyang buhay na gustong makamtan noon ni Coco Martin sa kanyang pag-aartista. Consistent naman ang mahusay na actor, na talagang hindi siya titigil ng kasipagan hangga’t hindi niya nakukuha ang katuparan ng kanyang pangarap na iyon. Wala na halos pahinga ang kanyang career.  Sobrang busy siya sa paggawa ng teleserye at pelikula, kaya naman nitong huli ay sobrang happy siya sa pagmamalaki na unti-unti na talagang nagiging maayos ang kanyang kabuhayan.

“Ang unang dahilan naman kasi ng aking pagsisikap ay para maiayos ang aking buhay, ang buhay ng mga mahal ko sa buhay na ito. Kaya salamat sa isang malaking pagkakataon na ibinigay sa akin para magkaroon din ako ng malaking pag-asa,” wika ni Coco. Kasi, hindi man ipangalandakan ng guwapong actor, ay ibang taong malalapit sa kanya ang nagkukuwento, na dahil masinop sa pera ang bida ng pelikulang A Moment In Time ng Star Cinema, kaya naman nakakatulong na siya ngayon sa kanyang mga kaanak.

Walang puwedeng kumuwestiyon, na talagang pagka-tapos ng kasikatan nina Piolo Pascual at John Lloyd Cruz, si Coco na nga ang pinakaimportanteng actor sa bakuran ng ABS-CBN dahil sa lakas ng hatak niya ngayon sa masa na nagpapatunay sa init ng kanyang popularity. Ratsada talaga ang kasikatan ni Coco, nariyan din at pagkatapos ng teleseryeng Walang Hanggan, magsisimula na rin sa ere ang bago niyang teleserye, ang Juan dela Cruz.

 ChorBA!
by Melchor Bautista

loading...

One thought on “Ethel Booba, daig pa ang bading kung magmahal

Leave a Reply

Your email address will not be published.