Estudyanteng Naka-motor, Sumalpok sa Bus, Patay

NAGLAHO NA parang bula ang pangarap ng mga magulang ng isang estudyante matapos makasalubong ng aksidente sa kalsada.

Kinilala ang nasabing biktimang na si Justine Villasin, 3rd year college ng Atimonan, Quezon.

Nagmamaneho umano ang biktima ng kanyang motorsiklo nang makasalubong ang pam-

pasaherong bus na Peñafrancia Tours na minamaneho ni Manuel Navales ng Camarines Sur.

Dumulas umano ang motorsiklo ng biktima sa kurbadang bahagi ng kalsada subalit naging daan ito upang maka-salpok ito sa kasalubong na bus.

Bagamat nadala pa sa Emil Juana Hospital, idineklara nang dead on arrival si Villasin dahil sa seryosong pinsala sa iba’t ibang bahagi ng katawan dulot ng aksidente.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.