Estudyanteng Nag-Withdraw ng P50K, Hinoldap

INAALAM NG mga kinauukulan ang pagkakakilanlan ng salarin na nangholdap sa isang third year college student sa Albay.

Kinilala ang biktima na si Mary Rose Barliso y Onoya ng Purok 3, Barangay San Isidro, Malilipot, Albay at secretary ng student council sa Bicol University Tabaco Campus.

Lumalabas sa pagsisiyasat, dakong alas-7:40 ng umaga habang nagwi-withdraw ang biktima nang bigla itong lapitan ng isang lalaki at agad nagdeklara ng holdap.

Dahil sa takot na masaksak ng ice pick na nakatutok sa bewang nito, napilitan na lamang ang biktima na ibigay ang malaking halaga ng pera na kanyang hawak.

Humigit kumulang P50,000 ang natangay sa estudyante na napag-alamang koleksyon ng kanilang College Student Council.

Samantala, nai-turn over na rin sa mga awtoridad ang CCTV camera mula sa bangko na maaaring makatulong sa nagpapatuloy na pagsisiyasat.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

 

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.