Estudyanteng bigo sa pag-ibig, naglason; patay

NAGAWANG WAKASAN NG isang 19-anyos na lalaking estudyante ang sariling buhay nito sa pamamagitan ng pag-inom ng silver cleaning solution na panlinis sa mga alahas at metal na kagamitan nang hindi umano matanggap ang pagkabigo sa pag-ibig kamakalawa ng gabi sa Caloocan City.

Hindi na umabot pang buhay nang idating sa Manila Central University Hospital ang biktimang si Benedict Reyes, 4th year high school student sa Caloocan High School, ng Alvarez St., Brgy. 69, Caloocan City.

Sa imbesitgasyon ni P02 Prudencio Saballo, may hawak ng kaso ng Station Investigation Detective Management Branch-Caloocan Police, dakong alas-11:40 ng gabi nang matagpuan ang naghihingalong biktima sa loob ng kanilang bahay sa naturang lugar.

Ayon sa kapatid ng biktimang si Ronald, himbing siyang natutulog nang maka-rinig ng ungol sa kanyang tabi at nang idilat ang kanyang mata ay nakita nito ang kapatid (biktima) na bumubula ang bibig at nasa tabi nito ang isang bote ng silver cleaning solution na wala nang laman.

Agad siyang humingi ng tulong sa mga kasamahan nito upang dalhin sa natu-rang pagamutan ng biktima subalit sa daan pa lamang ay nalagutan na ito ng hininga.

Sa inisyal na imbestigasyon, sinasabing labis na dinamdam ng biktima ang pagbasted sa kanya ng kanyang nililigawang dilag. (MARY H. SAPICO)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

2 thoughts on “Estudyanteng bigo sa pag-ibig, naglason; patay

  1. taragis kamamatay palang ng tao gngwan nyo na kagad ng maling balita !
    mahiya naman kayo oyyy. wala ba kayong galang ?
    try nyo naman igalang yung patay lalo na yung pamilya.
    may asawa’t anak na yan kaya anong ikabibigo nya sa pag ibig ?
    badtrip tong thread na to wala sa hulog ung sinulat na dahilan.
    pinapababa nyo level ng kaibigan namen.
    kakainis amp !

Leave a Reply

Your email address will not be published.