Estudyante, Tinuklaw ng Ahas Habang Umiihi

SUGATAN ANG isang estudyante matapos matuklaw ng ahas habang umiihi sa Mount Makulot sa Cuenca, Batangas.

Base sa report ni Cuenca Police Chief Joel Ilagan, umakyat sa nasabing bundok ang biktimang si Joshua Metrillo kasama ang kanyang mga kaibigan para bisitahin ang dinarayong grotto tuwing Semana Santa.

Samantala, pagda-ting sa grotto ay nagpaalam ang biktima na iihi lang pero habang ito ay umiihi ay natapakan niya ang isang ahas na tumuklaw sa kanyang kaliwang hinlalaki.

Agad na isinugod sa pagamutan ang biktima kung saan ito inoobserbahan pa rin.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.