Estudyante, pinapak ng textmate

ISANG ESTUDYANTE ang pinagsamantalahan ng kanyang textmate sa Cordon, Isabela.

Ang nasabing biktima ay itinago sa pangalang Eden, 19-anyos, residente ng Cordon, Isabela.

Base sa salaysay ng biktima, gabi noong Sabado ay nagkasundo sila ng textmate na nakilala lamang sa pangalang “Jayson” na magkita sa isang KTV bar.

May pinainom umano sa kanya ang salarin na naging dahilan para mawalan siya ng malay.

Nagising na lamang ang dalaga na nasa loob ng motel at nang magpatulong at sinabing biktima siya ng panghahalay ay hindi naniwala ang mga staff ng naturang motel.

Samantala, pinaalalahanan naman ng biktima ang mga kapwa estudyante na mag-ingat sa mga ka-text para hindi matulad sa kanya na nasira ang puri.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

 

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.