Estudyante, patay sa gulpi

PATAY ANG isang 19-anyos na estudyante sa kolehiyo matapos itong patayin sa bugbog ng kanyang upper classmen sa bisinidad ng isang eskuwelahan sa Mariveles, Bataan kamakailan.

Base sa report ni Bataan Provincial Police Office (PPO) Officer-in-Charge Sr. Supt. Audie de Mesa Atienza, kinilala ang nasawing biktima na si John Mark Dugan, residente ng Malabon City at estudyante ng Maritime Academy of Asia and the Pacific (MAAP).

Nadakip naman ang salarin na si Felgem de Dios, 21 anyos, residente ng Summit View Subdivision, San Rafael, Rodriguez, Rizal.

Lumalabas pa rin sa ulat na dakong alas-10 ng gabi ng mangyari ang insidente sa loob ng school campus sa Brgy. Alasasin, Mariveles, Bataan.

Bigla na lamang uma­nong sinugod ng sunud-sunod na bugbog ng salarin  ang nasorpresang biktima na hindi na nakabangon matapos paghahampasin ng matigas na bagay kung saan idineklara itong dead-on-arrival sa ospital.

Samantala, isinailalim na sa masu­sing pagsisiyasat ang nasabing kaso.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

 

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.