Estudyante, Patay sa Akyat-Bahay

PATAY NA nang matagpuan ng kanyang mga kaanak ang isang estudyante matapos na pagsasaksakin at pagnakawan pa ng mga hinihinalang kasapi ng ‘akyat-bahay’ sa loob ng kanyang silid sa Pasig City kamakailan.

Natagpuang nakabalot ng kumot at may mga saksak sa katawan ang biktimang nakilalang si Ranilo Raymundo, 18, at residente ng Hydenhower Bend St., Phase 10, Parkwood Village, Brgy. Maybunga, Pasig City.

Lumalabas sa report na nakarating sa tanggapan ni Pasig City Police chief P/Senior Supt. Mario Rariza, nabatid na dakong alas-5:32 ng madaling-araw nang madiskubre ang bangkay ng biktima sa loob ng kanyang kuwarto.

Nauna rito, inutusan umano ng kanyang amo ang kasambahay na si Mirriam Moreno para gisingin na ang biktima dahil may pasok pa ito sa eskuwelahan.

Gayunman, matagal na umanong kinakatok ni Moreno ang silid ng biktima ay hindi pa rin ito nagbubukas ng pintuan.

Dahil dito, puwersahan na nilang binuksan ang pinto ng kuwarto at dito na nadiskubre ang duguang bangkay ng biktima na nakabalot sa kumot at may mga saksak.

Samantala, base naman sa pagsisiyasat ng mga awtoridad, lumilitaw na pagnanakaw ang motibo ng pamamaslang dahil nawawala ang dalawang loptop, tatlong cellphone, at camera mula sa silid ni Raymudo.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

 

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.