Estudyante, Ni-Rape ng Dating Titser

NADAKIP ANG isang dating titser matapos ireklamo ng panggagahasa sa isang estudyante sa Maynila.

Kinilala ang salarin na si Billy Opolente, 27-anyos na dating music teacher sa Holy Trinity Academy.

Lumalabas sa sa pagsisiyasat ng Manila Police District (MPD), unang niyaya ni Opolente ang 13-anyos na alyas “Mico” noong Grade 7 pa lamang ito.

Inimbitahan ang batang kumain sa labas, pero idineretso sa bahay ni Opolente at doon pinagsamantalahan.

Nagpatuloy ang panggagahasa ng mahigit isang taon at ngayong Grade 8 na ay hiningan pa ng P5,000 kapalit ng hindi pagpapakalat ng video ng nasabing pambababoy.

Nang malaman ng mga magulang ni “Mico”, isinumbong nila ang natu-rang titiser sa pamunuan ng paaralan at agad na pinatalsik.

Gayunman, nagpatuloy umano ang pananakot sa biktima kaya roon na nagsumbong ang mga magulang sa mga awtoridad.

Samantala, nakatakdang ma-inquest si Opolente sa kasong rape, at pinag-aa-ralan na rin ang ibang kasong maaaring isampa laban dito lalo’t menor de edad ang biktima at kinunan pa ng video ang panggagahasa.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

One thought on “Estudyante, Ni-Rape ng Dating Titser

Leave a Reply

Your email address will not be published.