Estudyante, lubhang apektado: Computer shops, bilang na ang araw

HAGONOY, BULACAN – BILANG na ang araw ng mga computer shops na pasaway sa paligid ng Iba National High School sa nabanggit na bayan.

Inihayag sa Pinoy Parazzi ni Mrs. Marissa Hermogenes, principal ng naturang eskuwelahan, na malaking problema ng mga magulang at guro ang pagdidisiplina sa mga estudyante na mas madalas na hindi pumapasok sa eskuwelahan, dahil sa mga bukas na computer shop ilang metro lamang ang layo sa naturang paaralan.

Aniya, karamihan sa mga mag-aaral na nabanggit na eskuwelahan ay nalululong sa mga games, dahilan kaya hindi na umano pumapasok ang iba. Bukod pa anila ang pagbibisyo tulad ng sigarilyo at alak.

Sinabi pa ng punong-guro na malinaw ang Depertment of Education Order No. 86 Series of 2010 ni former DepEd Sec. Mona Valisno, na mahigpit na ipinagbabawal ang pagpapatayo ng anumang gusali at computer shop sa bisinidad ng paaralan, kung saan sinasabi sa nabanggit na kautusan na bawal ang sinehan, malls at computershop dahil makaaapekto ito sa klase.

Kailangan din aniya na nakasarado ang mga naturang tindahan sa panahon ng klase upang hindi makaistorbo.

Kasabay nito, muling isusulong ni Mrs. Hermogenes ang naudlot na kasunduan sa pagitan ng mga may-ari ng computer shop at billiard halls na pagkatapos ng klase bubuksan ang nabanggit na mga establisimyento, sa tanggapan ng bagong halal na barangay chairman na si Celi Fajardo.

Maging ang pagbebenta ng alak at sigarilyo ay hihilingin ding ipagbawal sa paligid ng paaralan upang makaiwas sa bisyo ang mga mag-aaral.

Hihilingin din ng school principal at ng mga guidance counselor kay Fajardo na magtalaga ito sa nabanggit na lugar ng mga barangay tanod upang mapigilan din ang talamak na bentahan ng Marijuana sa naturang paaralan.

(Tony dela Peña)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.