Estudyante, Kritikal sa Tarak

KRITIKAL ANG estudyante matapos pagsasaksakin ng hindi pa kilalang suspek habang ang una ay naglalakad sa Caloocan City kamakalawa ng gabi.

Ginagamot sa President Diosdado Macapagal Memorial Medical Center sanhi ng saksak sa ulo si Alejandro Mauricio, 19, ng 4th Avenue ng lungsod.

Base sa ulat, alas-10:30 ng gabi, naglalakad ang biktima sa Doña Rita St., ng lungsod nang lapitan at saksakin ng suspek bago tumakas.

Dinala ang biktima sa PDMMMC kung saan inaalam na kung sino at ano ang motibo ng suspek.

(MARY H. SAPICO)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.