Estudyante, Hinoldap ng Riding-In-Tandem

NATANGAY ANG pera at cellphone ng estudyante ng hindi pa kilalang dalawang lalaki sakay ng motorsiklo habang ang una ay naglalakad sa Caloocan City kamakalawa ng hapon.

Sa pahayag ng biktimang si Kristel Bularan, 25, alas-3:30 ng hapon, naglalakad siya sa JP Bautista Avenue ng lungsod nang lapitan ng mga suspek at tutukan ng patalim.

Kinuha ng mga suspek ang bag ng biktima na naglalaman ng Samsung Galaxy at cash na P1,800 bago nagsitakas sakay ng motorsiklong walang plaka.

Humingi naman ng tulong sa mga pulis ang biktima subalit hindi na nakita ang mga suspek na inaalam na ang pagkakakilanlan.

(MARY H. SAPICO)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.