Estudyante, Dakip sa Pagbebenta ng Droga

NAARESTO NG mga kinauukulanang isang estu-dyante habang nagtutulak ng iligal na droga sa Tuguegarao City.

Nakilala ang suspek na si Reynaldo Nepomuceno, 28, ng Sta. Ana, Cagayan.

Naaresto ang salarin sa buy-bust operations ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at Philippine National Police (PNP).

Narekober sa kanyang pag-iingat ang isang plastic sachet ng pinaniniwalaang naglalaman ng Shabu, P1,000 na marked money at cellularphone na ginamit sa transaksyon.

Ayon kay Nepomuceno, naisipan niyang magbenta ng ipinagbabawal na gamot matapos magipit sa pera dahil kagagaling lamang niya sa on-the-job training sa Laguna sa kanyang kursong Marine Transportation at nagkataon naman ang kanilang eksaminasyon.

Kasalukuyang hawak na ng mga awtoridad ang suspek habang inihahanda ang isasampang kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.