‘Estribo Gang’, dumale; Isa sa 3 Holdaper, Dakip

SWAK SA balde ang isa sa tatlong kilabot na miyembro ng ‘estribo gang’ na bumibiktima sa mga pasahero ng dyip sa Caloocan, Malabon, Navotas at Valenzuela (CAMANAVA) sa Caloocan City kamakalawa ng gabi.

Kinilala ng Caloocan City Police Station Investigastion and Detective Management Branch (SIDMB) ang mga biktima na sina Ann Abaigail Juliasn, 20, studend; Mariber Acuna, 18, dalaga, service crew; at Valleri Bernabe, 18, pawang naninirahan sa B. Cruz St., Tangos, Navotas.

Ang naarestong suspek at ngayon ay naghihimas ng rehas na bakal ng kulungan ay nakilalang si Noel Hasal, 20, tubong Samar at residente ng Block 12-Extention, Gumaok West, San Jose Del Monte, Bulacan.

Sa isinagawang pagsisiyasat ni PO2 Michael Anthony Ramirez, may hawak ng kaso, dakong alas-10:45 ng gabi nang maganap ang holdap sa kahabaan ng Gen. San Miguel St., Sangandaan.

Nabatid na kasalukuyang sakay ang tatlong biktima sa isang pampasaherong dyip na minamaneho ng isang Ronaldo Nacion, 40, may-asawa, ng # 37 Jacinto St., Concepcion, Malabon City.

Habang binabagtas ng pampasaherong dyip na may plakang NRL-800 ang nasabing lugar sakay ang mga biktima, isa sa mga suspek na nagkunwa-

ring mga pasahero rin ang agad na nagdeklara ng holdap.

Mabilis na pinagkukuha ng mga suspek ang isang black bag, Nokia cellphone na nagkakahalaga ng P5,000, black wallet na may lamang P3,000.00, mga ID, ATM card, passport, school supplies, pink bag, MyPhone T18, at wallet na may lamang P2,000. Pagkatapos na makuha ng mga suspek ang kanilang pakay ay agarang nagsi-baba ang mga ito ng dyip at mabilis na nagsitakas.

Kaagad namang hu-mingi ng tulong ang mga biktima sa mga pulis na sina PO1 Carlito Dematera at PO1 Genesisi Acana, pawang nakatalaga sa Caloocan CIty Police na mabilis namang rumes-ponde na nagresulta sa pagkakaaresto kay Hasal.

Dalawa sa mga kasamahan ng naarestong suspek ay  tuluyang nakatakas subalit ang mga nakuhang mga gamit ng tatlong biktima ay hindi na nabawi.

(ROMAN MAGPOC)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.