Estapadorang Illegal Recruiter, Arestado

NADAKIP NA ng pinagsanib na puwersa ng Provincial Public Safety Company at ng Isabela at San Jose Police ang isang 26-anyos na babae na sangkot sa large scale illegal recruitment at estafa sa Region 2.

Sa ulat na ipinadala ni OIC P/Supt. Peter Naboye kay PNP Provincial Director P/S Supt. Robert Aliggayu, kinilala ang nadakip na suspek na si Michelle Hubio Y Mariano, may-asawa, tubong-Brgy. Mabulig-1, Cauyan City, Isabela, at residente ng Brgy. San Juan, San Jose City, Nueva Ecija.

Base sa inisyal na im-bestigasyon ni P/Sr. Inspector Sherwin Concha, dakong alas-3:20 ng hapon ng madakip ang suspek sa bisa ng warrant of arrest na ipinalabas ni Branch-20 Isabel RTC Judge Reymund Aumentado.

Nabatid na sangkot ang suspek sa 2 kaso ng estafa sa Isabela at isang kaso ng large scale illegal recruitment.

Detenido ngayon ang suspek sa San Jose City Jail, kung saan walang piyansang inirekomenda ang korte para sa kanyang kalayaan.

(TONY DELA PEÑA)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.