Estafadora na Illegal Recruiter, Timbog sa CIDG

HINDI NA nagawang makatakas pa ng isang babae na sangkot sa kaso ng estafa at large scale illegal recruitment sa lalawigan ng Bulacan makaraang arestuhin ng mga operatiba ng Criminal Investigation and Detection Team Bulacan Branch kamakalawa ng umaga sa Brgy. Banga 1st sa bayan ng Plaridel.

Sa ulat na ipinadala ni P/Chief Inspector Monico Cadayona kay Region-3 Director P/S Supt. Rudy Lacadin, kinilala ang nadakip na suspek na si Virginia Lopez Y Gadi, 43 anyos, residente ng Brgy. Cambaog, Bustos, Bulacan.

Base sa inisyal na report ni PO3 Rafael Bartolome at PO2 Mercenario Antonio, dakong alas-11 ng umaga, nang arestuhin ang suspek sa inuupahan nitong tanggapan sa nabanggit na bayan sa ilalim na rin ng “Oplan Pagtugis”.

Nabatid na dinakip si Lopez sa bisa ng warrant of arrest na ipinalabas ni Branch-11 RTC judge Basilio Gabo, Jr. sa kasong large scale illegal recruitment ,kung saan walang piyansang  inirekomenda ang korte para sa kalayaan nito, bukod pa rito ang tatlong kaso ng estafa. Kaugnay nito, detenido ngayon ang suspek sa Bulacan Provincial Jail.

(TONY DELA PEÑA)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.