Espina, Na-relieve Bilang NCRPO Chief

SIMULA KAHAPON, balik na sa Kampo Krame si Police Director Leonardo Espina matapos na ma-relieve bilang National Capital Region Police Office (NCRPO) chief.

Sinabi ni PNP PIO chief S/Supt. Reuben Theodore Sindac na ibinaba na ang order para sa pag-akyat sa puwesto ni Espina na pupuno sa bakanteng puwesto ng chief of the directorial staff, ang ika-apat na pinakamataas na puwesto sa Philippine National Police (PNP).

Kasalukuyang hindi pa mapangalanan ni Sindac kung sino ang papalit sa puwesto ni Espina bilang bagong hepe ng NCRPO dahil wala pang anunsiyo mula sa kanilang nakatataas na opisyal.

Dahil sa promosyon ni Espina, inaasahan na rin ang panibagong rigodon sa hanay ng mga senior officials ng PNP.

Lumalabas naman na matunog ang pangalan ni C/Supt. Marcelo Garbo, ang kasalukuyang regional police director ng PRO-7 na nakabase sa Cebu City na posibleng italaga sa NCR post.

Nito lamang weekend inilipat na rin sa PRO-7 si C/Supt. Generoso Cerbo bilang deputy regional director for administration (DRDA).

Samantala, pumalit sa kanya at nagsimula na ring umupo kamakalawa bilang bagong spokesman to the chief PNP si S/Supt. Wilben Mayor.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

 

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.