Eskuwelahan sa Marikina, Binulabog ng Bomb Threat

BINULABOG NG bomb threat ang Nangka Elementary School sa Marikina City, kahapon.

Tahimik na nagkaklase ang mga estudyante nang biglang magsisigaw ang mga magulang sa gate ng paaralan, alas-9:00 umaga.

May nakapagsabi umano sa kanilang may bomba sa eskuwelahan at natakot para sa mga anak.

Sa tindi ng pag-aalala, sinugod ng mga magulang ang prinsipal ng eskuwelahan na si Marian De Guzman at ipinaalam ang banta.

Agad naman nitong iniutos sa mga guro na mapayapang palabasin sa mga silid-aralan ang mga estudyante at dalhin sa covered court.

Sinuspinde na rin ang klase sa umaga.

Nakaresponde naman agad ang mga awtoridad, mga bumbero at rescue team pero ayon kay Marikina Police chief Col . Gabriel Lopez, negatibo ang eskuwelahan sa bomba.

Pinakalma na lamang nito ang mga magulang at mga bata.

Samantala, balik-klase rin ang mga panghapong estudyante.

Sa ngayon, patuloy na inaalam ng pulisya kung saan nanggaling ang nasabing bomb threat.

 (PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.