Eskuwelahan, Ninakawan ng Computer

NINAKAW NG hindi pa kilalang suspek ang computer ng eskuwelahan sa Malabon City kahapon ng umaga.

Sa pahayag ni Carlos Garcia, 57, guidance counselor ng Tinajeros High School Annex sa Florida St., Acacia ng lungsod, pagpasok niya alas-6 ng umaga sa nasabing eskuwelahan ay nakitang wasak ang kandado ng kanyang kuwarto.

Nang tignan ang loob, wala na ang computer set na nagkakahalaga ng P50,000 na naging dahilan upang ipaalam sa mga pulis.

Nagsasagawa na nang imbestigasyon ang mga pulis hinggil sa nasabing insidente.

(MARY H. SAPICO)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.