Eskandalosong Kelot, Kalaboso sa Nahulog na Shabu

TIMBOG ANG isang lalaki matapos na mag-iskandalo at makuhanan ng Shabu sa Tayabas City.

Kinilala ang salarin na si Champ Reyes, 25, residente ng Barangay Angustias sa nasabing  lungsod.

Napag-alaman na isang concerned citizen ang nagparating ng impormasyon sa mga awtoridad sa pag-iiskandalo nito sa lugar.

Agad namang nagtungo sa lugar ang mga kinauukulan at doon na naabutan ang nagwawalang salarin.

Nang akma na umano itong huhulihin ay nagpumiglas pa ito daan para mahulog mula sa kanyang dibdib ang isang plastic sachet na may lamang pinaniniwalaang Shabu.

Samantala, nakatakda namang isailalim sa laboratory examination ang nakuhang Shabu habang sa ngayon ay nasa kustodiya ng Tayabas Municipal Police Station ang nasabing suspek habang inihahanda ang kaso laban dito.

 (PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.