Ervic Vijandre: Surviving Showbiz Odds

ISANG RAMP AT commercial model, basketball player at ngayon ay kaaway ni Richard Gutierrez. Si John Ervick Manalo Vijandre ay dating varsity ng De La Salle University, kung saan kumuha siya ng Bachelor of Arts in Philippine Studies, major in Filipino in Mass Media (AB-PHM) undergraduate program. Matangkad na lalaki. May hitsura at naging palaban sa nakaraang Survivor. At tila ngayon ay palaban pa ring muli. Sa ngayon, kaaway at katunggali na nga niya si Richard Gutierrez. Pero, ito ay sa inaabangang fantaserye na Captain Barbell ng Channel 7 at si Ervic bilang si “Kidlat”. Oo naman! Sa telenovela lang naman sila magkatunggali ni Richard gamit ang kanilang mga superpowers.

Anyways, sa tsikas naman, ating pag-usapan para sa mga salin-saling dila ang pagkakaroon niya ng relasyon sa dating SexBomb dancer na si Aifha Medina. Bagamat, nagkahiwalay na diumano ang mga ito. At ito pa ang matinik, siya ang naunang sumungkit sa puso kaya naging tsikas niya si Marian Rivera. Awww! Kainggit naman.

Anong nangyari bakit nagkahiwalay kayo? “Ah, matagal na ho ‘yun. Ah, hindi naman ako nagsalita dati kaya para ano pa para ipaliwanag ko ‘yung nangyari. Seven years po kaming naging mag-steady.”

Nak’s! Mahaba-habang pinagsamahan din ‘yun.

Ayon sa kanya ay nakaraan na ‘yun. Bahagi pa ng hayskul layp. Luma nang isyu ito, hehehe! Ito ang bago, isa siya sa napipisil na maging leading man sa upcoming primetime seryeng “Amaya” na pangungunahan ni ex-gf Marian Rivera.

Napansin kong masyadong marunong sumagot si Ervic. Okey naman siya kaya naman kunulit ko rin siya ng mga tanong. Noong pinanood ko siya kamakailan sa Survivor Celebrity Edition, tinanong ko kung iyong mga ginagawa niya eh, bahagi ng kanyang strategy. Ano naman kaya ang nasa isip niya bukod sa manalo? Dahil ba sa pera o hindi? Siyempre, instant star siya kaagad kasi pinanood siya ng maraming tao.

“Actually hindi naman po iyong instant star ka talaga. P’wedeng kasama ‘yun. Ah, hindi naman po sinasabing hindi ko gustong maging artista. Pero ang dahilan ko po talaga ng pagsali sa Celebrity Survivor eh, magkaroon ng sariling pangalan ko bilang Ervic Vijandre. Ako nandito po ako, kung bigyan ako ng pagkakataon, eh, siyempre iga-grab ko po.”  Heavy-gats na paniniwala ito! Ito naman ang aming exchange of conversation:

Ano, masyado ka bang maingat ngayon na kung anong mga offer ‘yun na pinag-iisipan mo rin? “Syempre.”

Marami na bang offer? “Sa ngayon po, wala pa po.”

Pero parang naririnig-rinig mo na? “Sana po, talagang meron na talagang offer.”

Hahaha! Sa ngayon natuloy na nga ang ilang offer sa kanya, ah.

Sa nakaraang Survivor, may pinili siyang kotse sa isang immunity challenge, ang tanong, napunta ba talaga sa kanya iyon? “Opo, nakuha ko na po. Ayun nga po gusto kong makuha iyong titulo. Ah, nu’ng time na ‘yun, pinapili ako ng kotse o iyong immunity bracelet. Ah, sigurado naman ako sa alliance ko because I have a strong alliance. Pinili ko iyong kotse dahil sayang naman iyong ganu’ng pagkakataon, ‘di ba na bigyan ka ng kotse. Alam ko na solid iyong alyansa ko kaya para sa akin eh, good choice ‘yun.”

Ito naman ang mga plano ni Ervic kung talagang magiging maganda ang dala ng showbiz sa kanya. “Sakaling palarin po ako, ang susunod ko naman pong i-stra-tegize eh, ‘yung buhay ko. Iisipin ko kung papaano ko gagamitin nang tama, katulad ng pera.”

At ayon pa sa kanya, ang gusto niya ay tumulong sa pag-aaral ng kapatid kahit hindi hini-hingi ng magulang.

Ito ang Larawan sa Canvas ni Maestro Orobia.

For comments and suggestions, call tel. no. (02) 3829838; email: maestrorobiaparazzi@yahoo.com or visit www.pinoyparazzi.com

Ito ang Larawan sa Canvas ni Maestro Orobia.

For comments and suggestions, e-mail: orobiakpp[at]yahoo.com and/ or maestrorobiaparazzi[at]yahoo.com.

ni Master Orobia

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.