ERVIC VIJANDRE AT SEXBOMB AIFA MEDINA, NAG-DATE SA HONG KONG

Nakita namin na magkasama ang Survivor finalist na si Ervic Vijandre at Sexbomb Aifa Medina sa Hong Kong. Nagulat pa ang dalawa nang makita kami. Nasa Hong Kong daw sila kasama ang pamilya ni Ervic.

Tinanong namin kung ano na ang estado ng relasyon nina Ervic at Aifa. Ayon kay Ervic, magkaibigan lang daw sila ni Aifa.

Dahil nga  Araw ng mga Puso, ang Hong Kong ang pinaka-malapit na puntahan ng mga celebrity na gustong lumayo sa ‘Pinas at makaiwas sa makukulit na press at mga namamarazzi.

ARIEL AT CRISTINA DECENA, MAG-PAPAKASAL SA BUONG MUNDO

Sinimulan na nina Tina Decena at Ariel (of Ariel and Maverick duo) ang pagpapakasal sa iba’t ibang bahagi ng mundo. Nauna na nga rito ay sa Thailand at Hong Kong. Isang buwan palang magkakilala ang dalawa, nagpakasal na agad sila sa Hong Kong.

Kuwento pa ni Cristina, “Sumakay lang kami sa tren. Kasi sa Hong Kong, every 15 minutes ang kasal. ‘Pag sumakay kami ng limousine o nag-taxi kami, hindi kami makakarating sa oras.

Kahit naka-wedding gown ako, naglakad ako sa kalsada! Kahit naka-wedding gown ako na kumakain ng fishball, basta kasama mo ang mahal mo sa buhay.

“Naka-schedule na kaming pumunta sa Japan, Paris, Ukraine… sa Singapore katatapos lang. Babalik na lang kami para sa kasal. Nag-apply na kami ro’n. Sa Las Vegas, pupunta rin kami. Marami akong mileage eh, ‘yun ang gagamitin namin. Si Ariel naman, sagot niya ‘yung hotel.”

Parazzismiz
By Maica Tidila

loading...

4 thoughts on “ERVIC VIJANDRE AT SEXBOMB AIFA MEDINA, NAG-DATE SA HONG KONG

Leave a Reply

Your email address will not be published.