Ervic Vijandre at Ariella Arida, exclusively dating

Ervic-Vijandre-Ariella-AridaKAMAKAILAN AY nagsimulang mag-taping si Ervic Vijandre sa primetime series ng GMA-7 na Genesis kung saan bida si Dingdong Dantes.

Si Ervic ay naging karelasyon noon ni Marian Rivera na girlfriend naman ngayon ni Dingdong. Pero hindi naman daw sila nagkailangan sa unang beses na pagsasama nila sa trabaho.

“Sobrang bait niya,” ani Ervic patungkol kay Dingdong. “At saka ‘yong lahat ng tao sa production, mababait din. Nakakatuwa ‘yong very warm na pag-welcome nilang lahat sa akin nang magsimula akong mag-taping para sa Genesis. Sobrang okey. Tapos nando’n pa si TJ Trinidad na nakasama ko na rin dati sa iba pang shows. So, ‘yon! Mentor ko ‘yon pagdating sa acting. Tinuturuan niya ako hanggang ngayon. ‘Yong role ko sa Genesis, medyo kontrabida na naman. Na… kasama nga ni TJ. Isa ako sa mga galamay niya na magpapahirap kay Dingdong.”

Nagkaroon ng mga issue at intriga dati kaugnay ng paghihiwalay nila ni Marian. Pero bahagi na lang daw ito ng nakaraan para kay Ervic.

“At saka… sobrang tagal na no’n. Nakalimutan ko na nga ‘yon, eh. Naka-move on na, kumbaga. Okey na. Happy na!” panghuling nasabi ni Ervic.

Ariella-Arida-Ervic-VijandreMatipid naman siya sa nagiging sagot kapag ang napag-uusapan ay ang nali-link sa kanya na si Miss Universe 2013 3rd runner-up Ariella Arida. Hindi rin niya direktang masabi kung ano nga ba ang real score sa kanilang dalawa.

“Basta ako, masaya ako na nakauwi na siya. Iyon na ‘yon!” nangiti niyang sabi.

Mula nang makauwi sa bansa si Ariella mula Russia kung saan ginanap ang Miss U, hindi raw sila gaanong nagkikita lately dahil madalas ay pareho silang busy sa kani-kanilang commitments. Pero nagkakausap naman daw sila through phone.

“Birthday nga niya last week (November 20). Hindi ko siya nasamahan sa celebration niya kasi may taping ako para sa Genesis, eh. Pero bago ako dumiretso sa taping, nag-hang-out muna ako do’n. Kasama namin ‘yong ibang friends niya.

Simple lang ‘yong naging birthday celebration niya. Nakigulo lang ako roon!” sabay tawa niya.

“Mahirap kaming magkaroon ng time for each other ngayon. Siyempre, may mga schedule din siya sa Bb. Pilipinas, eh. Hindi siya basta-basta puwedeng gumawa ng sarili niyang mga lakad. At naiintindihan ko naman ‘yon.”

Marami ang nagsasabi, bagay sila ni Ariella. Na parang… they can be a perfcet couple nga raw.

“Ah, talaga? Thank you naman!” sabay ngiti ni Ervic. “Sana!” tawa niya ulit. “Basta masaya kami. Ayon! Masaya kami.”

May mutual understanding na nga sila? “Basta… parehas kaming masaya. ‘Yon lang. Masaya.”

More than friends ang samahan nila ngayon? “We’re friends. Or exclusively dating. Siguro… ‘yon! Exclusively dating.”

Mahirap bang maugnay sa isang beauty queen? Kasi may pinu-protektahang image at maraming limitasyon sa panahon ng reign nito?

“Ah, kasi si Ara (palayaw ni Ariella), sobrang simple niya. Napakasimple niya. Sobrang down to earth. At ‘yon ang nagustuhan ko sa kanya. Hindi mo mapi-feel na beauty queen siya. Sobrang bait. Wala siyang ere. Walang kahit ano. ‘Yon lang ang masasasabi ko. Na kapag nakilala mo siya, napakasimple lang niya.”

Balitang nagkakainteres daw pumasok sa showbiz si Ariella. May nabanggit ba ito sa kanya na gano’ng plano?

“‘Yong manager ko (Jonas Gaffud ng Mercator Modelling Agency), tinatanong siya kung gusto niya. Ang sagot naman ni Ara, pag-iisipan muna raw niya. Ako naman, susuportahan ko siya kung anuman ang gustuhin niyang gawin. All the way ang magiging support ko sa kanya.”

Ganyan?

Rubbing Elbows
by Ruben Marasigan

loading...

3 thoughts on “Ervic Vijandre at Ariella Arida, exclusively dating

Leave a Reply

Your email address will not be published.