Erpat ni Charice, patay sa icepick

NILINAW NG SAN Pedro Police sa Laguna na pinaghahanap pa ang suspek na pumatay sa ama ng Pinay international singing sensation na si Charice Pempengco sa San Pedro, Laguna kahapon.

Ayon kay Col. Gilbert Cruz, Laguna provincial police director, sinaksak ng suspek na si Angel Capili sa pamamagitan ng isang talampakang haba na icepick ang biktimang si Ricky Pempengco habang bumibili ng sigarilyo.

Hinabol umano ng lasing na suspek ang ama ni Charice at sumunod na inundayan ng saksak. Dalawang tama sa dibdib na tumagos sa likod ang tinamo ng biktima na dahilan ng kanyang agarang kamatayan.

Agad na tumakas ang suspek na ngayon ay patuloy na pinaghahanap ng mga kinauukulan. May lumabas ding report na umano’y nakainom ang biktima nang maganap ang insidente.

Tinungo na umano ng mga awtoridad ang mga kamag-anak ni Capili sa lugar ngunit walang makapagsabi kung saan ito nagtatago ngayon.

Una nang sinabi noon  ni Charice na iniwan nila ang ama dahil masyado umano itong malupit, kung saan ang inang si Raquel ang tuma-yong tatay at nanay sa kanyang mga kapatid. Kasama lamang ng ama ni Charice na naninirahan sa Laguna ay ang mga kapatid nito.

Nasa Jakarta, Indonesia ngayon ang Pinay international singer, kung saan nasa tour ito kasama ang grupo ni David Foster. (PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.