Eroplano, bumagsak sa sagingan

DAVAO CITY – INIIMBESTIGAHAN na kung ano ang tunay na dahilan ng pagbagsak ng isang light plane sa taniman ng saging sa Davao, Martes ng umaga.

Ang nabanggit na eroplano ay nabatid na ginagamit na pang-spray ng isang banana plantation.

Batay sa nakalap na impormasyon ng mga awtoridad, sinasabing nag-emergency landing ito sa taniman sa Santo Tomas, Davao del Norte.

Ayon sa pahayag ni Roberto Bigcas, residente ng Purok 1-C, Barangay Bobongon, Santo Tomas, Davao del Norte, natakot sila matapos bumagsak na lamang sa kanilang likuran ang nasabing Falcon Turbo Engine plane.

Nangyari umano ito bandang 8:00 ng umaga at ang nasabing e-roplano ay pag-aari ng Airwolf Company. Nakita rin mismo ng guwardiya ng banana plantation ang pagbagsak ng eroplano.

Aniya, masyadong mababa ang lipad nito habang nag-i-spray ng kemikal sa plantasyon bago nangyari ang pagsadsad.

Matapos bumagsak, lumabas sa bintana ang piloto nitong si Captain Nonilo Tahon na wala namang natamong gasgas at sugat. (Pinoy Parazzi Reportorial Team)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

One thought on “Eroplano, bumagsak sa sagingan

  1. mali ung report. 2 survivors sa plane crush. isa ako sa naka ligtas. Akoung co-pilot at ako rin nag rerelease ng chemical. My engine failure kaya nag emergency landing kami. Pilit namin ibalik sa palkparan pero huminto na ang makina. Thank god we survived.

Leave a Reply

Your email address will not be published.