Erika Padilla at PBA Cager Jeffrey Cariasco, dalawang beses magpapakasal!

BONGGA ITONG SI Erika Padilla dahil dalawang beses siya ikakasal sa kanyang boyfie na dating PBA basketball player na si Jeffrey Cariasco.
 
Ito ang ibinalita niya niya kamakailan nang humarap siya sa media for the grand launch of the new Star Cinema romance-comedy movie na Can We Still Be Friends?, na pinagbibidahan nina Gerald Anderson at Arci Munoz under the direction of Prime Cruz.
 

Malaki na rin ang sinapupunan ni Erika nang humarap siya sa media with her almost 6 months bump.

 

Ang unang kasal ay magaganap sa Amerika pagkatapos ng kabisihan ng pagpo-promote ni Erika ng pelikula.

 

 “Right after ng premiere ng movie ay aalis na kami for the US for our civil wedding.” kuwento niya.

Erika Padilla and Jeffrey Cariasco

 

Next year naman nakatakda ang church wedding nila sa Pinas para masaksihan naman ng family and friends ang pag-iisang dibdib nila. Sa July 2018 naman ang Philippine version ng kanilang wedding.

Erika Padilla is due to give birth on the first week of October. Malamang ay magiging US citizen ang baby nina Erika at Jeffrey kapag nag-decide sila na i-extend ang kanilang US trip at doon na manganak.

         
 

Reyted K
By RK VillaCorta

Related Post

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.