Erika Mae Salas, wish sundan ang yapak ng idol na si Sarah Geronimo

Erika Mae Salas

Erika Mae Salas

 Masaya ang newcomer na si Erika Mae Salas sa nangyayari ngayon sa career niya. Abala ngayon sa recording para sa kanyang album ang 14-year old na dalagita.

“Medyo busy po sa schooling at katatapos lang ng recording of two songs po. Three more this week or next week po. Hopefully before the end of August ay matapos na po ang mga songs sa album,” sagot niya sa amin.

Pahabol pa ni Erika Mae, “Nakatakda rin po kaming mag-shoot for Black Sampaguita Production International para sa movie na pinamagatang “Reyna Engkantada”, starring Ms. Lou Baron.”

Ayon pa kay Erika Mae, masaya raw siya kapag nagpe-perform. “Masaya po at excited, basta po ine-enjoy ko na lang po ‘yung performance.”

Si Sarah Geronimo ang idol niya at gustong sundan ang yapak. Bakit si Sarah Geronimo?

“Kasi po ang galing-galing niya pong mag-perform at kung puwede po, gusto kong sundan ang yapak niya,” saad niya.

Naging parte rin siya sa katatapos na mall tour ni Marion Aunor at nabanggit ni Erika Mae na malaking bagay ito sa kanya. “Isa po ako sa front acts ni Ate Marion. It’s an honor po for me na makasama ang isang Marion Aunor, napakalaking achievement po iyon para sa baguhang katulad ko.

“Napakagaling po ni Ate Marion, hindi lamang sa pagkanta pati na rin sa pag-e-entertain ng mga tao, para po siyang walang kapaguran. Ang dami ko pong natutunan sa panonood sa kanya. Halos kabisado ko na po lahat ng songs na nakapaloob sa album niya dahil sobrang gaganda po ng mga awitin nya.”

Dito’y nabanggit din ni Erika Mae na wish niyang gawan din siya ng kanta ni Marion para sa kanyang album.

“Siyempre po wish ko rin na sana maigawa rin ako ng kanta ni Ms. Marion Aunor in the future. Iyong mga song po kasi niya, siya halos ang nag-compose lahat, very talented na, mabait pa po si Ate Marion,” bulalas pa ng dalagita.

Nonie’s Niche
by Nonie V. Nicasio

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.