Erik Santos at Boy Abunda, mayroon pang tampuhan?!

TEARY-EYED ANG PAGKAKALARAWAN ng mga naka-tsika ni Erik Santos sa kanyang album launch recently.

Nasukol kasi si Erik sa mga katanungang inihain sa kanya hinggil sa pag-alis niya sa pangangalaga ng kanyang manager at King of Talk na si Kuya Boy Abunda at sa poder naman ng Cornerstone ni Erick Raymundo siya nagpa-alaga.

Pati nga ang mga titulo ng kanta ni Erik sa nasabing album eh, iniugnay sa nasabing hiwalayan nila ng kanyang manager. Gaya ng “Muling Buksan ang Puso”. At iba pa.

Apparently, hindi pa nag-uusap nang masinsinan sina Erik at Kuya Boy, base na rin sa naipahayag na ni Kuya Boy noong mausisa ito. Nasabi ni Kuya Boy na mag-uusap pa lang sila ni Erik. Pero ‘yun pala eh, nakalipat na ito ng mangangalaga sa kanyang career ngayon.

May hinuha ang mga nakaaalam sa nasabing pangyayari na malamang na naunahan ng takot si Erik nang mabalitaan niyang binitiwan na ni Kuya Boy ang Backroom, Inc. nito. Pero sa pagkakapaliwanag nga ni Kuya Boy sa amin, ipinamana niya ang Backroom, Inc. sa kanyang senior staff at hindi naman ito tuluyang mabubuwag at magiging consultant pa rin naman siya kung kinakailangan. At naibigay pa nga nitong example si Mariel (Rodriguez) na kahit may handler eh, kinukunsulta pa rin siya sa ilang mga bagay.

Ang feeling pa nga raw ni Erik eh, inilalaglag siya ng mga nagtatanong. Kaya nang maturol na may mga nasabi rin si Kuya Boy sa nangyari eh, hindi napigilan ng singer na maging teary-eyed.

 

NAG-GOODBYE NA RIN ang Platinum Prince of Soul na si JayR sa kanyang manager na si Arnold L. Vegafria at tinapos na ang halos pitong taon ni-lang pinagsamahan as talent and manager.

Sinsero naman si JayR, pati na ang kanyang girlfriend of almost three years na si Krista Kleiner sa pagtutulungan nila sa pagpa-plano pa ng kanilang career bago sila tuluyang lumagay sa tahimik.

Ang gusto ni JayR at talaga namang pinangarap na noon pa lang ipinakilala siya ng choreographer na si Geleen Eugenio sa showbiz eh, ang magpatuloy ang kanyang career in music hanggang sa ibang bansa. At tinatanaw rin naman daw niya ang mala-king utang na loob niya kay ALV sa narating niya in those seven years. ‘Yun nga lang daw, mas naka-concentrate si ALV sa mga artists niyang nag-aartista. Kaya, nag-desisyon si JayR na magpaalam na rito.

Tatlo ang nilapitan nina JayR at Krista, ang PPL ni Perry Lansigan, ang Cornerstone ni Erick Raymundo at ang STAGES ni Carlo Orosa. At lahat naman daw eh, naghain ng magagandang mga plano para sa kanila ni Krista.

Pero dahil si Carlo ang nag-swak sa aim ni JayR to have a career din sa ibang bansa na gaya ng nangyayari kay Christian Bautista, ‘yun ang nadesisyunan ni JayR na pasukan.

Nakasalang sa dalawang shows in GMA-7 si JayR, sa Party Pilipinas at sa Protégé. At may isa na uling papasok na programa very soon. May album na rin siyang madadala sa Malaysia, pati na sa Indonesia. Kaya siguradong ‘mararamdaman’ na ang worth ng isang JayR sa kanyang pinapasok.

Tinanong namin sa kanya kung talaga bang okay ang paghihiwalay nila ni ALV?

“I know meron ding konting sakit ‘yun. But I need to reinvent myself. At naipaliwanag ko naman sa kanya ‘yun. Nakapag-usap kami. And three times na kaming nagkita sa different occasions after kong lumipat kay Carlo.”

Samantala, kung nakikitang lagi silang magkadikit ng kanyang girlfriend na si Krista eh, ina-min naman ng dalawa na package deal sila. Pero alam naman daw nila na sa mga darating na araw eh, magkakahiwalay rin sila dahil sa trabaho.

Pero ang kasal, will have to wait!

The Pillar
by Pilar Mateo

Related Post

loading...

10 thoughts on “Erik Santos at Boy Abunda, mayroon pang tampuhan?!

  1. mga baklang t0. .over kayo sa pagkabitter ha. .hahaha mind your own mokey business na lang,hindi ung pinuproblema nyo problema ng iba. .hahaha

  2. Si Christopher de Leon din, di ba nabalita din yun na bakla noong kapanahunan din nila pero wala talagang pruweba na talagang totoo yon. Totoo ba talaga yon??? Anybody knows??????

  3. may sapak yang si mariel. haliparot. baklang kalbo kc, daming shows, daming alaga, kaya nakakalbo lalo pati sa ibaba? yuck! baka di maka score kay eric kaya namomroblema ang kalbong bakla.

  4. KAKABWISET ANG MGA TALENTS NA NILOLOKO ANG MGA FANS AT MGA GF NILANG GAGA.BAKLA KAYO MAGPAKATOTOO KAYO PIOLO,LUIS ERIC AT RAYMOND.NAKU KILALA KO ANG MGA NAGING LOVERS NG MGA IYAN LALO NA PAG NAG AABROAD ANG MGA IYAN NAGWAWALA SI PIOLO MAHILIG SA MGA KANONG CALLBOY HOY AMININ MO BAKLA

  5. HOY BAKLANG ERIC MAGPAKA BAKLA KA NGA HINDI KA HAPPY KASI TINATAGO MO TUNAY MONG PAGKATAO.AMININ MO NAGING MAG ON KAYO NI PIOLO AT NGAYON DEAD NA DEAD KA KAY SAM MILBY KAYA LILIPAT KA SA MANAGER NIYA BAKLA LUIS MANZANO RAYMONG BABOY FACE GUTIEREZ AT HIGIT SA LAHAT PIOLO MUKHANG PERA PASCUAL

  6. classmate ko tong si erik santos sa college bakla ito dati hehehehe, bakit kaya daming bobong fans nya babae nagtitilian pa pag nakikita sya eh baka mas malakas pa tumili sa kanila idol nila hehehe

  7. Kasi naman, nabuhos ang time ni Boy Abunda sa damage control ni Mariel. Wala namang nangyari. Ibang talents niya, napabayaan na niya.

Leave a Reply

Your email address will not be published.