Erik Santos at Angeline Quinto, ‘di kailangang ipangalandakan ang relasyon

Erik-Santos-Angeline-Quinto‘DI KO masiguro kung sa panahon na magkasama sina Angeline Quinto at Coco Martin sa pelikula noon ay nand’yan na si Erik Santos sa buhay ng dalaga. Kung maaalala pa, the last “girlfriend” na masasabing pag-aari ng binata na naka-lock-in sa puso niya was Rufa Mae Quinto.

Nang ma-interbyu si Angeline ni Kuya Boy Abunda sa nightly show nila ni Kris Aquino na Aquino and Abunda Tonight kamakailan, parang deadma si Rufa Mae sa buhay ng singer. In short, wala sa bokabularyo niya ang sexy star kesehodang na-link noon kay Erik.

Pero si Erik, napakaseloso pala. Medyo maramot na i-share si Angeline lalo pa’t mukhang hulog na rin ang loob ng binata sa dalaga. Sa katunayan, kahit sabihin na showbiz na showbiz ang kung ano man mero sila, lovely pair pa rin sina Erik at Angeline. Mas cool sila tingnan kumpara kina Erik at Rufa Mae noon, na pakiwari ko bilang tagamasid ay walang chemistry.

Sa katunayan, regular na nagde-date ang dalawa na hindi na lang naisusulat. Korning date dahil kasama ang driver ni Angge (palayaw ni Angeline) at tila wala pa silang date na sila lang talaga.

They seldom share sa mga fans nila ang mga lakwatsa nilang dalawa compare sa ibang mga showbiz personalities na bawat kibot ay naka-post na sa Instagram at Twitter, reason why binibigyan nila ng puwang ang mga netizens na magkomento sa mga pinaggagawa nila na kapag hindi nagustuhan ang feedback at sasabihin ng mga netizens sa kanila, super react sila.

Pero kahit kita mo na ang galaw nila na parang may “something” na sila, nakalutang pa rin ang mga fans nila. Maging si Luis Manzano, nagtataka kung “romantic pair” na ba sila nang minsang sabay mag-guest at maglaro sina Erik and Angeline sa afternoon game show ng Kapamilya Network na Deal or No Deal. Naghahanap ng totoong kasagutan si Luis.

Sa pagiging straight forward at prangka ni Angeline, simple lang ang sagot ng singer kay Luis, “Kung anong meron sa inyo ni Angel,” na ang tinutukoy ay ang relasyon nilang dalawa ng girlfriend. In short, meron na nga ang dalawa (Erik & Angeline) na hindi na nila kailangang ipangalandakan na magkarelasyon sila.

Ngayon pa na halos araw-araw sila nagkikita at nagkakasama para sa paghahanda ng kanilang nalalapit na concert sa Araneta Coliseum come August 12 sa direskyon ni Mr. M (Johnny Manahan), I’m sure lalong mahuhulog ang loob nila sa isa’t isa.

I bet, mas oks sina Erik at Angeline para maging isang romantic pair. Basta, ‘yong totohanan lang, ha?!

Reyted K
By RK VillaCorta

loading...

One thought on “Erik Santos at Angeline Quinto, ‘di kailangang ipangalandakan ang relasyon

  1. Buti ka di nega Yung iba negang nega me pa sundot pa sa kung anu anong bagay. Kung sila di okay, karapatan nilang lumigaya Give me five (pesos).

Leave a Reply

Your email address will not be published.

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.