Erich Gonzales, usap-usapan ang pagkakatambal kay Mario Maurer!

MUKHANG SUNUD-SUNOD ANG swerteng tinatamasa ngayon ng Kapamilya leading lady na si Erich Gonzales, huh? Kasalukuyang namamayagpag sa rating game ang Maria la del Barrio nila ni Enchong Dee at malapit na ring ipalabas ang kanyang horror film kasama si Derek Ramsay na pinamagatang Corazon. Kniumpirma mismo ng Thai superstar na si Mario Maurer na gagawa ito ng pelikula sa ilalim ng Star Cinema at si Erich nga ang kanyang makakatambal. Naging usap-usapan na rin ito sa Twitter ilang buwan na ang nakararaan at ngayon lang ito nakumpirma. Ang bonggang proyektong ito ay may working title na Suddenly, It’s Magic at early 2012 ang playdate nito. Paniguradong marami na ngayon ang nag-aabang sa pelikulang ito.

 

RHIAN RAMOS, MAGPAPAKA-KONTRABIDA SA BAGONG PELIKULA!

 

KUNG SA TV ay muling makakapareha ni Rhian Ramos ang dati niyang ka-loveteam sa Stairway to Heaven na si Dingdong Dantes, nakatakda naman silang ‘magbalikan’ ni Aljur Abrenica sa isang romantic-comedy movie mula sa GMA Films. Tentatively entitled Kontrabida Girl, ito raw diumano ang pambato ng Siyete bilang Valentine movie nila for 2012. Ang direktor ng sikat na gay indie film na Zombadings One: Patayin sa Shokot si Remington na si Jade Lopez ang nakatakdang humawak ng nasabing proyekto sa tulong ng panulat ni Aloy Adlawan. Unang nagsama sina Aljur at Rhian sa fantaseryeng Ilumina. Marami rin ang nagsasabing may chemistry ang dalawa kaya sa big screen naman sila magpapakilig. Kumita naman kaya? We’ll see…

 

JOEM BASCON, AMINADONG NANGHIHINA PAGDATING SA BEBOT!

 

KAPANSIN-PANSING NAG-LIE LOW bigla ang character actor na si Joem Bascon sa kanyang mga movie projects. Kung dati ay halos sunud-sunod ang nilalabasan niyang mainstream and indie films, bigla itong nanlumo. Inamin ng aktor sa presscon ng pelikulang Aswang na napabayaan nito ang kanyang pangangatawan at hindi na niya namalayan na lumobo siya nang todo. Puhunan pa naman niya ang napakakisig niyang katawan. Hindi rin niya ikinaila na malaki ang naging epekto sa kanya ng break-up nila ng ex-girlfriend na si Meryll Soriano, pero ok naman daw sila ngayon. Sa katunayan nga, may non-showbiz girlfriend na ito ngayon! Kontrabida si Joem sa pelikulang Aswang at kasali rin siya sa Cinema One Originals 2011 entry na Ka Oryang, na ipapalabas na sa Nobyembre.
Show Twitz
Pinoy Parazzi News Service

loading...

24 thoughts on “Erich Gonzales, usap-usapan ang pagkakatambal kay Mario Maurer!

  1. kayo na magaling , kayo na gumawa ng pelikula na kayo ang bida.. puro kayo batikos.. sino ba kayo? mga hamak na commentator lang naman sa blog.. wala kaong magagawa kung si Erich and Mario yung gagawan ng pelikula… lets just hope na maganda yung kalabasan.. wala pa nga eh umi epal na kayo… give them a chance… kaya di umu unlad nation natin.. hatakan kayo ng hatakan pa ilalim…

  2. DEADMA… SA MGA BITTER…

    Gosh, ang dami kong nababasa sa twitter against Enchong, di ko alam kung bakit then i watched the buzz guesting ni Erich and may vtr pala sya… guess what kung anong sinabi nya? watch nyo na lang! mangigigil kayo sa galit… THE GUTS! sorry pero napaka cocky nya sa sagot nya, parang gusto na talaga mag solo! ang tanong, kaya ba without Erich? pati si Erich and Charlene nagulat!

    pati sa twitter may mga threats na kay Enchong! hala ka! and may plans daw na mag-cameo si Enchong sa Suddenyl its Magic, a big NO TO THAT…………….. baka mas lalong lumaki ang ulo at magmakaawang mag solo sa management and as if kaya naman nya!

    bakit di nya gayahin si Erich, di hamak na mas sikat at successful sa kanya pero napaka humble! don’t worry Erich we all have your back! just watch out for snakes!

  3. SI SARAH??????????WAG NA NEH!!!!!!!!!!!!MUKHANG BAKLA NA NGA YUNG MAURO EH PAPARISAN MO PA NG MUKHANG BADING?…………..HAHAHAHAHA

  4. ERICH GONZALES + MARIO MAURER = TEAM-UP AT ITS HOTTEST!

    Saveeeeeh! i can’t think of a better leading lady kay Mario, perfect si Erich! bagay sila infairness, sorry sa mga fans ni Baifern pero mas maganda si Erich sa kanya, mas may appeal, charisma, at effortless sex appeal. si Bifern kasi pretty lang pero walang dating parang yung typical beauty lang, na sarap titigan pero nakakasawa. KILIG TODA MAX! tong MARRICH, dami na agad supporters!

    SUDDENLY ITS MAGIC = BLOCKBUSTER MOVIE OF 2012! OWAAAAH!

  5. mabait na bata itong si Erich  Gonzales ang daming blessings dumating sa kanya…..ni hindi niya pinansin lahat ng ibinato sa kanya. matalino at magaling pa na actress.

  6. dami na nag aabang sa palekulang ito. 2012 blockbuster dahil sa dami ba namang fans nina erich at mario. kami nga ng pamilya namin hindi na makapag antay. uulit ulitin namin yan sa panonood.at sana hindi lang hanggang feb ang marialadelbarrio kc ngayon palang namiss na namin c maria if til feb lang sya. congrats erich. ang mababait pinagpala.

  7. ok lng nman, pero mas maganda if c maja salvador ang leading lady……. sana isama c maja sa movie project na yan, cya ang magiging OTHER WOMAN.hehehhee

  8. Enchong will be fine…as if nmn mag-asawa cla…they need to grow with other talents d lng un cla plagi, pra mging ms magaling p cla sa craft nila at pkikisama s ibang actors…best move yn for them. Basta go lng ng go ERICH ilove u!

  9. We are very much excited sa movie ni Erich and Mario. Blockbuster in the making. God bless. 
    SANA WALANG UMEPAL NA ANTIs DITO! :)

Leave a Reply

Your email address will not be published.