Erich Gonzales, hanggang paseksi lang by Eddie Littlefield

KUNG SA MMK umani ng papuri si Erich Gonzales lalo niya kayong pabibilibin sa naiiba niyang pagganap sa Katorse with Ejay Falcon (Pinoy Big Brother Teen Edition Plus Winner), Xian Lim (model –athlete) and Enchong Dee (champion swimmer, achiever) sa direksiyon ni Malu Sevilla.

Mapanghamon ang papel na gagampanan ni Erich bilang si Nene, isang katorse anyos na babaeng mapapagdaanan ang mga mahihirap na pagsubok sa buhay sa murang edad, na ginagampanan ni Dina Bonnevie sa pelikula noong dekada 80’s.

“Dream come true ito sa akin kaya super excited talaga ako. Ilang taon din naman akong naghintay, worth it naman dahil binigyan nila ako ng isang major project. Hindi ko bibiguin ang mga manonood, gagawin ko ang best ko para mag-enjoy sila,” bungad ni Erich.

Dumaan sa matinding workshop sina Erich, Enchong, Ejay at Xian para maramdaman nila ang bigat ng role na kanilang gagampanan. Hindi man nila naranasan ang pinagdaanan ng kani-kanilang karakter, hindi ito magiging hadlang para hindi nila ibigay ang 100 percent sa proyektong ito.

“Ibibigay ko ang best ko para hindi naman masayang ‘yung break na ibinigay sa akin ng ABS. Alam kong marami pa akong dapat matutunan kaya nga po sobrang focused ako ngayon sa trabaho,” say ni Ejay na gaganap bilang Gabby, ang nakatatandang kapatid ni Gabby.. “I was really overjoyed. It’s really a big break on my part,”sundot naman ni Xian bilang Albert sa nasabing soap.

Taos puso naman ang pasasalamat ni Enchong sa trust na ibinibigay sa kanya ng network.

“Ako si Jolo, ang matalik na kaibigan ni Gabby na magsisilbing “knight in shining armor” ni Nena sa kanyang pagdadalang-tao,” say ng binata.

May pagka-sexy ang role na gagampanan dito ni Erich, ito na kaya ang simula ? “Kung kailangan sa role, okey lang. Medyo sexy in the sense na mayroong konting skin, konting reveal, but not totally  bare. Hindi ko pa po kayang magpaka-daring so, hanggang pagpapa-sexy lang muna,” say ng Star Circle Quest grand questor.

Sa teaser palang mukhang kapana-panabik na ang bawat eksena. Ang tanong? Mapantayan o mahigitan pa kaya ni Erich si Ms. D kung performance level ang pag-uusapan noong time na gawin niya ang Katorse? Knowing Ms. Bonnevie, I’m sure, nakataas ang kilay nito habang pinanonood niya ang dalaga. Kapag hindi pumasa sa kanyang panlasa at hindi nabigyang justice ni Erich ang role bilang Nene, walang dudang magtataray ito! Let’s wait and see kung ano ang magiging comment ng magaling na actress kapag napanood na niya ang nasabing teleserye na pang-primetime.

AYAW Paawat!
by Eddie Littlefield

Related Post

loading...

3 thoughts on “Erich Gonzales, hanggang paseksi lang by Eddie Littlefield

  1. hi! ate Erich. ! grabE, gLing mO tLaga hAnGa tLaga qOh syO. .aTe, lhaT ng mOvies mOh inaabNgan qOh kHit nGa mGa bgOng piC. mOh sa FB eh iNaabNgan qOh. .gNyan tLaga kTa ka’iDOL.! hOE na maGiNg katuLad kTa.
    bGay na bgay riN tLaga kaU ni EncHong. .LOVE TEAM oF thE yEar.!

    gO gO gO.!

    >gLobaL EricHhoLics #8.!<

Leave a Reply

Your email address will not be published.