Erich Gonzales, courted by co-star Xian Lim

HINDI NA NAKAPAG-DENY si Xian Lim sa presscon ng Katorse nila ni Erich Gonzales (with Ejay Falcon), na nanliligaw nga siya sa dalaga. At nabuking din na dinadalhan pa nito ang dalaga ng pagkain, gaya ng paborito ni Erich na beef salpicao.

Nakita rin namin kung paanong to the rescue si Xian nang maiyak si Erich nang mabuksan ang mga tanong tungkol sa kanyang amang umiwan sa kanya noong two years old pa lang siya, at muli lang niyang nakita when she was 14. Suma-kabilang buhay na pala ito at sa pamamagitan lang ng sulat nabalitaan ng dalaga. Kaya masakit na masakit pa pala ang loob niya. Dahil na rin sa mga balita noong ikinalat na diumano’y isang rebelde o NPA ang kanyang ama.

Sabi ni Erich, kahit ano pa man daw ang naging buhay o panuntunan sa buhay ng kanyang ama, hindi niya ito itatatwa. At dito nga naka-relate si Xian, dahil galing din daw siya from a broken family.

May magiging shoulder-to-cry on na si Erich. Paano kaya si Ejay, na mas makakasalo naman ni Erich sa mas maraming kissing scenes sa nasabing palabas?

by Pilar Mateo

loading...

2 thoughts on “Erich Gonzales, courted by co-star Xian Lim

Leave a Reply

Your email address will not be published.