ERICH GONZALES, BAGONG THALIA NG DOS!

PAGKATAPOS MAGBIDA SA Katorse, Tanging Yaman at Magkaribal, nakatakdang magbalik-tambalan sina Erich Gonzales at Enchong Dee sa TV remake ng Mexicanovela’ng Maria la del Barrio, na pinagbidahan noon ng Mexican superstar na si Thalia.

Ayon sa dalaga, hindi niya nasubaybayan ang nasabing serye noon dahil bata pa ito, pero nagpapasalamat siya dahil maituturing na malaking break na naman ito para sa kanya. Si Enchong pa rin ang kanyang leading man dito at napatunayan na rin ang kanilang hatak sa mga tagahanga.

Mas magiging mapangahas ang mga eksena ng dalawa,at game na game naman sila sa bagong hamon ng Kapamilya Network para sa kanila.

Ano kaya ang masasabi ng rumored boyfriend ni Erich na si Enrique Gil dito?

ARCI MUÑOZ, NI-REJECT SI KEAN CIPRIANO!

Hindi man nagbida sa isang proyekto si Arci Muñoz nung siya ay nasa GMA-7 pa, napansin naman ng TV5 ang kanyang potensyal bilang isang lead star sa teleseryeng Mga Nagbabagang Bulaklak na mapapanood na sa primetime slot ng Kapatid Network by next month.

Napag-alaman namin na dapat pala ay si Kean Cipriano ang magiging love interest ng dalaga sa programa, pero umayaw si Arci. Dating magkasintahan ang dalawa at hindi maganda ang kanilang paghihiwalay. Napag-alaman pa namin na may pagkakataon noon na dapat ay iinterbyuhin ni Arci para isang show sa GMA-7 si Kean, pero umayaw ang binata rito.

It’s payback time!

LJ REYES, MAKIKIPAGTALBUGAN KAY JACKIE RICE!

Nagbabalik-Showbiz ang StarStruck batch 2 princess na si LJ Reyes sa pamamagitan ng teleseryeng Sisid, na pagbibidahan ni Jackie Rice. Pansamantalang iniwan ni LJ ang showbiz nang mabuntis ito courtesy of actor boyfriend na si Paulo Avelino. Marami ang bumilib sa body figure ng bagong hot momma ng showbiz dahil parang hindi ito nanganak!

Si LJ ang nakatakdang gumanap bilang main kontrabida sa nasabing sexy-drama na malapit na ring gawin ng Siyete. Wala pang plano si LJ na magpakasal kay Paulo dahil ang pag-iipon para sa future ng kanilang anak ang kanilang priority.

Sa pagbabalik showbiz ni LJ, mas magiging isang effective actress kaya ito tulad nang nangyari kay Jennylyn Mercado?

IWA MOTO, NAKIPAGBALIKAN SA NON-SHOWBIZ BOYFRIEND!

Kahit pa ibinulgar ni Iwa Moto sa press ang rason ng pakikipag-break nito sa longtime boyfriend niyang si Mickey Ablan, napag-alaman namin na nagkabalikan na nga ang dalawa.

Naging depress ang sexy actress nang malamang may third party involved sa kanilang relasyon at nadawit pa nga sina Jodi Sta. Maria at Bangs Garcia rito. Isang artista sa Kapamilya Network ang itinuturong dahilan ng kanilang break-up, pero hindi nilinaw ni Iwa kung sino ito.

Napatawad na raw nito si Mickey at ang babaeng pansamantalang sumira sa pagsasama nila. Lambingan-to-the max na naman ang dalawa sa kanilang social networking accounts. Ganyan siguro talaga magmahal ang Dwarfina star. Kayang tiisin ang lahat para sa ngalan ng pag-ibig.


Show Twitz
Pinoy Parazzi News Service

ShowTwitz

About the Author

has written 67 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.