Erich Gonzales at Mario Maurer, hanggang friendship lang

THE NEW love-team of Erich Gonzales and Mario Maurer will cast its magical spell on moviegoers starting October 31 with the showing of their movie Suddenly It’s Magic. The movie is produced by Star Cinema and directed by Rory Quintos.

Ayon kay Erich, isang malaking pagkakataon para sa kanya na makasama ang Thai heartthrob. “Nag-click kami agad. Walang ilangan, kasi before takes nakakapag-usap na talaga kami. Working with Mario was super fun. Napaka-professional niya. He’s super funny kaya wala pong dull moment ‘pag kasama siya sa eksena,” papuri ni Erich sa kapartner.

Dahil sa pelikula ay nakatagpo ng isa pang kaibigan si Erich. Friendship knows no distance and culture at ito ang pinatunayan ng dalawa. “Iyong kakulitan niya na may makita lang siyang kung ano paglalaruan na niya. Nami-miss ko na iyong mga jokes niya. Hindi lang siya, [kundi] iyong team niya rin po kasi talagang lahat kami nagba-bond habang nagsi-shoot and ako po. At si Mario, we really became good friends and even up to now nagko-communicate po kami.”

In the movie, Erich plays Joey, a pastry chef who met Marcus (Mario) na isang Thai superstar. Kinunan ang mga eksena ng pelikula sa dalawang major locations: sa Ilocos at sa Bangkok.

Pero sa posibilidad na mauwi sa totohanan ang kanilang gumagandang pagkakaibigan, inamin ni Erich na malabo itong mangyari. “Wala pong ganoon dahil sa una pa lang nakapag-usap na kami ng maraming bagay. At nalaman namin sa isa’t isa na meron na siyang nine-year relationship, tapos ako naman tinanong niya. Sabi ko ‘I’m dating a non-showbiz guy’. Importante sa amin ni Mario ngayon iyong sincerity na hindi po kami magbibigay ng false hopes.”

Tiyak na marami ang nanghihinayang dahil maganda ang chemistry ng dalawa. Pero sa aking palagay, hindi naman kailangan na ang magka-loveteam ay magkaroon ng relasyon sa totoong buhay para maging patok sa fans. Ang mahalaga ay mabuting magkaibigan sina Erich at Mario at nariyan ang kanilang mga fans na walang sawang sumusuporta sa kanila.

 

Kaibigan, usap tayo muli!

Points of Boy
by Boy Abunda

loading...

7 thoughts on “Erich Gonzales at Mario Maurer, hanggang friendship lang

  1. kawawa ka kerry ang bitter mo naman ano?hindi mo ba nakikita super bless nga ni Erich at take note siya lang naman pinili ni Mario kahit may iba pang artista na pinakita ng mga pictiures.huwag ka nalang mag comment dito kung wala ka naman  magagandang sasabihin.inggit ka lang?

  2. @Kerry at sa palagay mo ppa2lan k ni Mario!? LoL! maka judge ka kitang kita pagka bitter mo! Wag na Lang mag comment Kung wla k rin nmang magandang ssabihin! Kung sa “Ganda” Lang sure nman ako kahit puwet ni Erich di mo ma talbugan! Ika nga Kung sino ung “PANGIT” un pa ang lait ng lait! 

  3. of course hanggang movie lang ang kanilang relasyon no!!! papatulan ba naman yan ni mario maurer!!! isang malaking HINDI

    di naman maganda yang pinay natin na yan ha!!

Leave a Reply

Your email address will not be published.